Kabanata 2

1184 Words
"Hindi ako papasok, Zia. 'Wag ka na rin kasing pumasok." Yuna pleaded over the phone. "Please, Zia. Pretty please." I rolled my eyes before facing my bestfriend on the screen of my phone. Gusto kong pumasok, pero ayaw niya dahil nakakatamad daw at wala namang gagawin. Continuation lang ng foundation week namin ngayon kaya medyo boring dahil opening of the booths lang at battle of the bands ang mangyayari. Some might be excited about the bands, but I am not. I'm not interested. Mahilig akong makinig sa kanta, pero hindi ako marunong kumanta. Well, singer din naman ako minsan kaso sa banyo nga lang. "Sige na, Zia. Ngayon lang naman tayo aabsent." "Yuna, may attendance. Pumasok nalang kasi tayo." Gusto kong pumasok dahil huling taon ko na doon. I just wanted to enjoy my last event on that school. Kahit alam kong boring ay gusto ko pa ring subukan. "Wala namang gagawin kasi." She reasoned out which is partly true. All girls school kami at hindi pwede ang outsiders sa school kaya boring talaga. "Wala rin namang gagawin sa bahay, Yuna." "Sige na kasi, Zia! If you're thinking about the attendance ako bahala. Hindi malalaman ni ma'am." Tinaasan ko lamang siya nang kilay dahil unti unti niya na akong nakukumbinsi. Damn this girl. Can someone please remind me why she became my best friend? "Promise! 'Di talaga malalaman ni ma'am. Cross my heart mamatay man 'yong crush ng crush ko." "Yuna!" I hissed which makes her laugh. "Harutin mo nalang 'yong secretary natin. Crush ka niya, diba? For sure ililista niya tayo agad. Baka nga isang 'hi' mo lang 'ron ay mangisay na sa kilig." "Demonyo ka!" Tuwang tuwa siya nang mademonyo niya akong 'wag ng pumasok. I ended the call already. Bumalik ako sa kama at ibinagsak muli ang sarili doon. Kinuha ko ang aking unan at niyakap 'yon ng mahigpit. "Kailan ko kaya mayayakap si Chaos?" Napailing na lamang ako sa aking naiisip na kapilyuhan. Baka mauna pang pumuti ang uwak bago ko siya mayakap. Iyong pageant ang unang interaksyon naming dalawa, at sana ay masundan pa 'yon. Ilang beses ko nang sinubukan siyang lapitan ngunit hindi ko magawa dahil naduduwag ako, pero ngayon ay iba na. Dahil sa interaksyon na 'yon ay lumakas ang loob ko. I won't waste any chance now. "Hey, lil sis." Bumukas ang pinto nang aking kwarto at iniluwa non ang mukha ng aking kapatid. Umirap ako at bumangon upang harapin siya. "Uso kumatok, kuya. Share ko lang naman." "I did, but you're not responding. Akala ko tulog ka pa. Get up now. Ako maghahatid sayo ngayon." "Hindi ako papasok, kuya." Kuya Art, and I are really close to each other. Kahit malaki ang age gap namin at magkaiba ang interes namin ay nanatili pa rin ang closeness naming dalawa. "Naks naman," he moved forward and reached for my head. Lalo niyang ginulo ang buhok kong magulo habang tumatawa. "Nagdadalaga na talaga ang kapatid ko, marunong ng umabsent ngayon." Umirap ako at pabiro siyang itinulak. "Dalaga na talaga ako," pagmamayabang ko. "Yeah," he nodded. "Kaya nga may crush ka na,  diba?" I was caught off guard because of his question. Napatigil ako at unti-unting nawala ang ngisi sa aking labi. "Who told you that?" Yuna the traitor. Paniguradong ibinuking nanaman ako ng matalik kong kaibigan sa aking kapatid. "Well, it's just me and my instincts." "Ewan ko sayo, kuya!" I shifted my gaze because I know that I'm not good in lying. "You like him, don't you? I noticed on how you look at him. Kakaiba ang mga tingin mo at hindi mapakali ang mata mo." "What?! Of course not. I don't like Chaos, he's not even attractive on my eyes and—" His laugh makes me stop. My eyes widened because of my sudden realization. Mas lalong lumakas ang tawa niya nang makita ang reaksyon ko. Damn mouth! What did you do? Pahamak ka masyado. "I did not mention any name, Azhia." Tumawa ito at patuloy akong inasar hanggang sa hindi siya magsawa. I did not eat my breakfast with them. Uminom lang ako nang tubig na may lemon, dahil maganda 'to sa katawan. I was busy doing some of my morning exercise routines when I saw my brother. Naglalakad siya papunta sa garahe habang inaayos ang buhok. Mukhang hindi niya ako napansin dahil sa pagmamadali. "Where are you going, kuya?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya. Agad naman siyang tumigil upang sagutin ako. "Gonna fetch those f*cking morons," he simply replied before getting inside his car. Pinaandar niya na 'to kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang panoorin siyang umalis. Agad kong tinapos ang aking ginagawa. Hindi mawala ang ngisi sa aking labi dahil sa wagas na saya. Paniguradong sila Chaos ang tinutukoy ni kuya Art kanina. Paniguradong dito sila pupunta. I love you, kuya Art! You're the best. Umakyat ako sa kwarto at agad na naligo. Halos ubusin ko na ang hair shampoo at conditioner sa buhok ko. Sinabayan ko pa nang indak at kanta ang bawat pagpatak ng tubig sa aking katawan. "What should I wear?" I asked myself out of frustration. Halos mailabas ko na ang lahat nang damit ko sa closet pero wala pa rin akong napipili. At the end, I decided to wear a halter backless top paired with a denim short. I did my skin care routines and applied a bit of make up. Binuksan ko ang bagong lotion at perfume galing france. Gosh! This two are both expensive kaya halos ayaw kong galawin, but for Chaos, I will. Malaki ang ngiti sa aking labi habang bumababa ako sa hagdan. "Maganda umaga ho, señorita." I smiled ang greeted them back before heading towards the kitchen. Naabutan ko si manang Rosa doon, at mukhang tama nga ang hinala ko. Sila Chaos nga ang bisita ni kuya. "Ma'am Azhia, mukhang may lakad ka 'ata ngayon." "Wala naman po, manang." "May hinihintay kang bisita kung gano'n?" "Wala rin po, manang." "Aba'y pasensya ka na. Bihis na bihis ka kasi, at parang naligo sa pabango." Napanguso ako dahil sa kumento ni manang. Am I that obvious? "Kila kuya po ba yan, manang?" I asked and glanced at the snacks on the table. "Oo. May mga bisita ang kuya mo, Azhia." Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango habang pinapanood siyang ayusin ang pagkain. "O siya, maiwan na kita rito. Ihahatid ko lang 'to kila señorito." "Ah, mamang," I said and bit my lower lip. "Pwede po bang ako nalang ang maghatid sakanila?" Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha, pero kalaunan ay pumayag din. Marahil ay nagtataka na siya sa ikinikilos ko, pero hindi ko na 'yon pinansin. Ang mahalaga ay makikita ko si Chaos, at sana ay makausap din. "Kuya Art," kumatok ako nang paulit-ulit sa pinto nang marating ko ang studio. I decided to open the door even without their permission. Mukhang nagkakatuwaan sila kaya hindi nila ako naririnig. "Uh," I awkwardly uttered because their stares is making me uncomfortable. "Azhia, are you doing here?" "Here's your snacks, pinapabigay ni manang." Kinuha niya sa akin ang hawak kong tray, at nagpasalamat. I roamed around my eyes, but I failed to see him. "Are you looking for someone, lil sis?" Umiling ako at iniiwas ang tingin sakanya. I bet he's already mocking at me right now. Totoong nandito ang mga kaibigan ni kuya, pero wala dito ang taong gusto kong makita. Damn! Don't tell me that I wasted my time for nothing? Nag-ayos ako at naghanda para sa taong hindi ko naman pala makikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD