MIKAY "Ma'am Sam, ayos lang po ba kayo? Ano pong nararamdaman ninyo?" nag aalalang sabi sa akin ni Alfred. "Ayos lang ako, huwag mo akong alalahanin." nauutal kong sagot. "Ma'am, sigurado po ba kayo sa desisyon ninyo? Ako po ang natatakot para sa inyo, kapag iniwan ko na po kayo sa bahay ninyo wala na pong ibang tutulong sa inyo. Pag isipan po muna ninyo, alam ko po wala kayong naaalala kaya mas lalo po kayo dapat na mag ingat." hindi ako umiimik dahilan para paandarin muli ni Alfred ang sasakyan. "Ma'am kapag po nagkaroon kayo ng emergency itabi po ninyo ang telepono na ito at tawagan po ninyo ako at darating ako para tulungan ka." muling sabi ni Alfred. Alam ko kahit hindi niya sabihin ay utos iyon ni John. Si John na walang ibang gusto kundi maging ligtas at masaya ako. Huminto kam

