MIKAELA Unti unti ng bumabalik ang mga alaalang pansamantalang nakalimutan ng aking isipan, mga masasakit na ala-alang hindi ko na sana gugustuhing balikan pa. Dahil dito muli na namang nababalot ng takot ang puso at isip ko, takot na baka muli ko na namang maranasan ang pananakit sa akin ni Ronald. Lalo na at kasama na namin ngayon dito sa bahay ang walang hiyang Magda na yon. Isang pangyayari sa buhay ko na sana tuluyan na lang binura para hindi na paulit ulit na bumabalik ang sakit na naranasan ko sa piling ng aking mapang abusong asawa. Hindi ko pa sinasabi sa kanila na may naaalala na ako, kailangan ko munang maging malakas at alamin kung nasaan ba niya dinala ang anak kong si Elias. Magpapanggap akong may amnesia hanggat kinakailangan at pag nakuha ko na si Elias ay saka kami aali

