MIKAY / SAM Pagkatapos namin kumain at mag pahinga ay bumalik ako sa training field, madami pang itinuro sa akin ang aking couch na mabilis ko naman ding natutunan. Bandang hapon ay nag sparring kaming para maiapply ko ang mga natutunan ko at mas mapractice ko sa actual na laban ang mga natutunan ko sa kanya. Bandang alas singko na ng hapon ng matapos kami at tuwang tuwa siya sa akin dahil daw madali akong matuto. Actually may background naman ako ng martial arts dahil nung highschool ako ay iyan ang sports ko pero never kong inapply sa sarili ko dahil nga duwag ako. Ayaw kong nakikipag away at para sa akin ay sports ko lang iyon. "Good job, Sam! Napakagaling mo at ang bilis mong matuto, parang may background ka na sa martial arts ah!" tuwang-tuwa na sabi sa akin ni John. "Sa tingin ko,

