THIRD PERSON Bandang alas diyes ng gabi ng muling sumalang si Mikay sa entablado matapos nilang mag usap ni John. Habang sumasayaw si Mikay ay titig na titig sa kanya si John sa hindi malamang dahilan. Bago para sa kanya ang pakiramdam niya ngayon para kay Mikay. Nagkaroon bigla ng di maipaliwanag na damdamin si John para sa dalaga, ang tapang niyang tumangi sa mga alok niya ang isa sa nagpabilib sa kanya. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito na tila may gustong sabihin ngunit hindi niya masabi ang tunay niyang nararamdaman. Batid ni John na isang kahibangan na mahumaling siya sa babaeng may asawa at higit sa lahat ay sa club nag tatrabaho. Pero iba si Mikay para sa kanya, sa dalawang araw niya pa lang nakikita ang dalaga ay ginugulo na nito ang kanyang isip. Muli siyang tumingin

