CHAPTER 20 KLARA POV Pagpasok ko sa bahay, agad akong sinalubong ng malalakas na yabag. Napalingon ako at nakita si Mommy, galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya. Bago pa ako makapag-react, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. “Anong klaseng kahihiyan itong ginagawa mo, Klara?!” sigaw niya, ang boses niya puno ng galit. Natigilan ako, hawak ang pisngi kong namumula na. “Mommy, ano po ba ang problema?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko kahit pa parang gusto ko nang umiyak. Hindi pa ako natapos magsalita nang lumapit si Daddy. “Klara, ilang beses na naming sinabi sa’yo na layuan mo ang lalaking ‘yan! Wala siyang ibang madadala sa buhay mo kundi kahihiyan at kahirapan!” “Pero, Daddy…” nagsimula akong magsalita, pero sinigawan niya ako nang mas malakas. “Wal

