CHAPTER 8 Andreas POV Isang maagang umaga sa isa sa pinakamamahaling hotel sa Makati, abala na ako sa paghahanda para sa aking araw. Nasa kalagitnaan ako ng paglagay ng cufflinks sa aking tailored na suit nang pumasok si Jhokss, ang matapat kong secretary. Nakaayos na siya, propesyonal at elegante, dala ang schedule ko para sa araw na iyon. “Andreas, here’s your itinerary,” sabi niya, iniabot sa akin ang folder. “Thank you, Jhokss. Kumusta ang updates mula sa mga investors natin?” tanong ko habang sinisigurado kong maayos ang hitsura ko sa salamin. “All good, sir. Pero mukhang magiging mahaba ang araw mo,” sagot niya, may bahagyang ngiti. "That’s expected," sabi ko, kinuha ang coat ko. "Let’s go." Pagdating namin sa unang meeting, sinalubong kami ng ilan sa pinakamalalaking pangalan

