JACK POV Akit na akit ako sa mga relo na nakikita ko sa cabinet. Tumigil lang ang mundo ko ng makita ko ang mga ito. Mahilig ako sa mga mamahaling relo. Bata pa lang ako noon ay madalas na ang tingin ko sa iba't ibang klase ng relo. Shempre when I was a kid, hinde ko pa naman kayang bumili ng relo kahit yung mumurahin lang kasi marami pang kailangan na unahin. Pero mautak din akong student dati dahil sa nagda drawing ako ng kunwaring relo sa kamay ko para lang mayroon din akong relo. Tinatawanan man ako ng mga kaklase ko kasi ang panget ng relo ko, okay lang dahil masaya ako kahit papaano. Pero that time naiyak din ako sa pang aasar nila sa akin kaya dumiskarte na lang ako. Inuutusan ako ng mama ko at panay ang hingi ko ng piso rito tapos naka bili ako ng ben 10 na relo. Ang saya saya k

