JACK POV "Oh tatakbo itong mayor? Balita ko anak, sobrang yaman ng lalaking ito ha? Bakit ayaw pa nyang makuntento at gusto pang kumamkam ng pera. Nababalitaan ko na halos lahat ng negosyo dito sa bayan ay binibili nya. At talagang tuluyan na nitong pinasok ang mundo ng pulitika." "Ma, hinde po lahat ng mga nasa mundo ng Politics, pera nang taong bayan ang gustong huthutin. Sa sobrang yaman ng matandang yun, malabo na pera ang naisip nitong dahilan. Maniniwala pa ako kung sasabihin nyong kapangyarihan lang ang gusto nito dahil malamang, kapag nanalo si Mr. De Leon ay baka gipitin sya nito sa mga negosyo nya dahilan para malugi ito." "Bakit? Mayroon bang alitan si Mr. De Leon at Mr. Oliver?" Tanong ni Dad na kakapasok lang sa loob. "Dad, there is no friend in politics. Lahat sila ay ma

