Dumating ang Biyernes at isinala sa operasyon si Maybeline. Inaasahang Dalawang oras lamang ang itatagal ng operasyon o mas ba-baba pa dito. Nag hihintay sa labas ng Operating room si Audrey kasama ang kaibigang si Trixie. "Bakla, sana matapos na ang lahat ng pag hihirap ng kapatid ko." Saad nito habang hindi binibitiwan ang rosaryong hawak. "Mag tiwala ka lamang hindi naman siya pababayaan ng Diyos." Pag yakap niya sa kaibigan. Matapos ang araw ng kaniyang kaarawan, ilang araw din' na hindi nag paramdam si Leon. Ni isang text, tawag at email wala siyang natatanggap dito bukod sa matapos ang kaarawan niya nag simula na ang leave niya para sa operasyon ng kaniyang kapatid. "OMG!" Bulong ni Trixie pero napatingin si Audrey sakaniya. "Ano 'yan?" pag tatanong niya dito. "Ah wala." Pilit niya

