HINDI na lumabas pa si Andy sa kaniyang kuwarto dahil hindi muna siya pinalabas ni Stanley at pinagpahinga na lang muna, hinatiran lang siya nito ng breakfast sa kuwarto. Dinala naman ni Stanley ang bangkay ni Jessica sa basement para roon muna ito itago pansamantala, pero nasa balak na niya na mamayang hatinggabi na lang ililibing kapag tulog na si Andy para hindi nito makita. “Don’t ever hurt Andy, physically or emotionally. Ako ang makakalaban mo sa oras na sinaktan mo siya,” babala ni Damon habang nasa loob sila ng basement. “Rest assured, I won't hurt her. She's my girlfriend and I love her. Wala akong nakikitang dahilan para saktan ko siya,” sagot naman ni Stanley habang kasalukuyang binabalot ng malaking plastic ang katawan ni Jessica. “Siguraduhin mo lang, Stanley. More than an

