DALAWANG araw ang lumipas at nagising na si Andy mula sa pagkaka-comatose. Sa kaniyang paggising ay parang nataranta pa siya na agad na napatingin sa buong paligid, pero agad ding kumalma nang mapagtantong nasa loob na pala siya ng hospital room at nakita niya rin si Stanley na nakangiti sa kaniya. Ngayon ay nakasandal na siya sa hospital bed at kasalukuyan nang pinapakain ni Stanley ng porridge. Pinagmasdan niya ang kasintahan. Napakalaki ng eyebags nito na para bang ilang gabing hindi nakatulog. “Baka matunaw na ako niyan sa titig mo, sweetheart.” Para naman siyang natauhan at mabilis nang iniwas ang tingin. “Ah k-kasi, bakit parang ang laki yata ng eyebags mo ngayon? Hindi ka ba nakatulog dahil sa pagbabantay sa akin?” Instead of answering her question, Stanley just smiled at her

