27 [Nisha's] "Hi bff!" Masayang bati sa kanya ni Georgina nang ito'y pumasok sa kanyang kwarto. Nakabalik na pala ito. Lumingon sya dito at nginitian nya ito. "Hello George. Nakabalik ka na pala. Anyare?" Pangangamusta nya rito. Lumapit naman ito sa kanya at umupo sa kama nya. "Ok lang. May pinaalam lang sila Mom and Dad. Mukhang di ko na talaga maiiwasan ang pagiging tagapagmana. Bat kasi nagsosolong anak ako eh! I need to handle Isla Del Fierte from now on. Ano bang malay ko dito." Naiinis na saad nito sa kanya at pabagsak itong humiga sa kama nya. Napatingin naman sya rito at halata ang frustration sa maganda nitong mukha. "George tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw at ikaw lang din talaga ang magmamana nitong Isla. Wala namang masama dito eh. Isla Del Fierte is

