(Fast-paced ho tayo ha? Kailangan kasi atsaka para mabilis ang daloy ng storya. Foul words ahead, so read at your own risk ok? Proceed :) :*) 22 [Nisha's] Tahimik siyang nakaupo sa labas ng kanilang bahay. Madilim na at ramdam niya ang malamig na samyo ng hangin sa kaniyang balat. Napapikit siya at napangiti. Naririnig niya ang masayang tawanan ng kaniyang kapatid at ni Ashton sa loob ng bahay nila. Masaya kasing naguusap ang dalawa. Catching up things. Super close kasi ang dalawang yun. Since na wala silang kapatid na lalaki ay eto na ang tumayong kuya ni Lisa. Napakasaya lang ng kaniyang pakiramdam ngayon. Magaan ba. Feeling niya ay bumalik sila sa dati. Ang dating relasyon nilang masaya at walang problema. She missed that kind of relationship. Pero things changed, at isa na do

