Keishawn’s POV Abala ang lahat ng estudyante ng Fine Arts dahil ngayon ang unang araw ng aming week. Kasalukuyan akong naglilibot ang kumukuha ng litrato ng mga estudyante at kani-kanilang booth. May mga henna tattoo booth, photo booth, painting booth, pagkain at mayroon din namang mga nakakatuwa tulad ng jail booth at wedding booth. Iniiwasan kong madaan sa mga huling nabanggit dahil ayaw ko sa mga ito. Mamayang hapon ang unang araw ng basketball kaya naman sinusulit ko na ang oras ko. Nang mapagod ay naupo muna ako sa bench. “Hey, Bro!” Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang nakangising si Chiolo na patakbo papalapit sa akin. Nang makalapit ay tinapik niya ako sa balikat at naupo sa tabi ko. “So, handa ka na ba sa laro para mamaya?” Tanong nito sabay inom ng tubig na dal

