Keishawn's POV
Sitting on my bed while looking at Dara's picture on my phone. Creepy right? It's funny how someone you used to know is now the most important person to you. Paano nga bang minahal ko siya ng ganito?
It was a summer day, nagising ako ng dahil sa init ng araw na tumama sa balat ko. Wala akong nagawa kundi ang tumayo na at maghanda para sa eskwelahan. Isa akong third year high school student. Pagkatapos maghanda ay bumaba na ako para mag-almusal, tulad ng dati ay nag-inisan kami ng Ate ko habang ang Mama at Papa namin ay umiiling na lang.
Sumakay na ako sa kotse ko habang kumakaway kay Mama at pinaandar na ito. Dumating ako sa school, fifteen minutes later. Pagpasok ko sa school ay may ilang bumati sa akin. Habang papalapit sa room namin ay nakasalubong ko si Paulo, ang kapatid ng bestfriend kong si Dara. Senior high school na ito at graduating na.
"Shawn, bro!" masayang bati nito sabay yakap sa akin at tapik sa likod ko. Gumati naman ako sa kaniya. "Kamusta? Sama ka ba mamaya sa outing?"
Dahil magkaibigan ang pamilya namin ay napag-desisyunan na mag-outing.
"Oo naman! Ako pa ba?"
Tumawa ito. "Haha. Ikaw na dude, kelan mo siya liligawan?"
"Sino?" taka kong tanong sa kaniya. Sino ang tinutukoy ko?
"Oh c'mon Shawn, hindi namam ako manhid. Alam ko ang pakiramdam ng in love." makahulugang sabi nito sabay tapik sa akin bago umalis na. Nagtaka ako sa tinuran niya. Sino ang in love? Ako?
Natigil ang pag-iisip ko dahil sa tunog ng bell. Buong klase ko ay iniisip ko ang sinasabi ni Kuya Paulo. Hindi ko na namalayan na uwian na pala. Nagtaka ako na hindi ko nakita si Dara pero nagkibit-balikat na lang ako. Makikita ko rin naman ito mamaya. Umuwi na ako para maghanda, nadatnan ko ang Mama ko na hinahanda na ang mga babaunin namin, humalik lang ako sa kaniya at tumuloy na sa kwarto. Mabilis lang akong natapos dahil hindi naman marami ang dadalin ko. Pagbaba ko ay nakahanda na ang lahat at ako na lang ang hinihintay. Sumakay na kami sa family car at pumunta na sa Family resort namin. Pagkarating doon ay nakita naming nandoon na ang pamilyang Gomez. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Dara pero hindi ko siya nakita.
Nang makita ko si Paulo ay tinanong ko agad siya kung nasaan si Dara. Ngumiti ito ng makahalugan at sinabing nasa dagat na ito at lumalangoy. Tatalikod na sana ako at pupuntahan ito pero natigilan ako dahil nagsalita ito.
"May mga bagay na kahit hindi mo sabihin o aminin sa sarili mo ay nararamdaman mo na, kailangan mo lang itong harapin at tanggapin."
Tatanungin ko sana ito kung ano ang ibig niyang sabihin pero tumalikod na ito. Ang weird talaga nung tao na 'yun. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang pool at nakita ko si Dara na paahon. Tatawagin ko sana siya ng matigilan ako. Pagkaahon nito ay nakangiti niyang iwinasiwas ang buhok niya habang nakapikit na para bang ninanamnam ang tubig. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng oras na iyon. Bumilis ang t***k ng puso ko at halos marinig ko na ang t***k nito sa sobrang lakas. Lalo akong natigilan ng makita ako nito at ngumiti sa akin. Hindi ko nagawang ngumiti dahil parang huminto ang oras, siya lang ang nakikita ko ng mga oras na iyon. Nakatatak pa rin sa utak ko ang nakangiti niyang mukha. Anong nangyayari sa akin?
Isa lang ang gusto ko, to hold her in my arms, pero mga bata pa kami. Mas bata siya sa akin. Tama nga sila, kapag nagmahal ka na nagiging baduy ka.
And that's when Kuya Paulo's words came back to me. Ngayon ay alam ko na ang tinutukoy niya, alam ko na ang nararamdaman ko. And surprisingly, gusto ko ang nararandaman ko. Ngayon ay tinatanggap ko na. Mahal ko ang bestfriend ko. I am in love with Dara. Matagal ko na pala itong nararamdaman pero ngayon ko lang natanggap. I just have to open my eyes and see how beautiful she is and open my heart to feel the love that I have for her.
"Bestfriend!"
Bestfriend. Iyon nga lang pala kami, iyon lang ang tingin niya sa akin. I'm doomed.
Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang cell phone ko na tumutunog. Tinignan ko ito at nakita kong tumatawag si Chiolo. Sinagot ko naman ito dahil baka importante.
"Hello?"
"Hey man, sabihin ko lang sana na may nabalitaan ako. Nabalitaan kong mukhang pinopormahan ni Lucas si Dara."
Sa narinig ay 'di ko maiwasang mainis. Si Lucas ay kilala bilang bad boy at player, sigurado ako na paglalaruan lang nito si Dara.
"That douche, he better stay away from her. Wala namang alam yun kundi kalokohan."
"Eh, bro bakit kasi ayaw mo pang magtapat kay Dara?"
Napabuntong hininga naman ako. "Ayoko at takot akong masira ang friendship namin ng dahil sa nararamdaman ko at isa pa... hindi niya ako mahal na higit pa sa kaibigan. Takot ako sa rejection."
"Rejection doesn't mean that you have to give up, it means that you just have to try harder. Ang torpe mo naman kasi tol! Paano mo malalaman kung 'di mo susubukan?"
"Ramdam ko naman na hindi higit pa sa pagiging kaibigan ang tingin niya sa akin."
"Eh kung hindi ka naman pala niya mahal, bakit hindi mo na lang pigilan ang kung ano mang nararamdaman mo para sa kaniya?"
"Ikaw ba kaya mong pigilang huminga?"