Wishing you a day as bright and beautiful as your smile, Mum. You deserve all the love and happiness in the world. Happy Mother's Day! Camilla POV Naiyak ako sa messages ng mga anak ko, mother's day pala ngayon, pero wala man lang pagbati mula sa aking asawa. Di bale mahalaga naalala ng mga bata. Kahit paano naglubag ang aking kalooban, nagluto kami nila manang ng simpleng handa lang na puede pagsaluhan. At mga nanay narin naman itong mga kasama namin dito sa mansion, may mga munting regalo ako sa bawat isa sa kanila. Bandang tanghali nagsalo-salo kami sa hapag, at masayang pinagsasaluhan ang mga niluto naming pagkain.. Senyorito nandito na po pala kayo..halika na po saluhan mo na po kami dito. May dala-dala itong pumpon ng mga bulaklak. Para kanino kaya yan? Malamang sa girlfriend

