“MEANT TO BE” EPISODE 24. Nagpipigil ng galit ang isang binata nang sabihin sa kanya ng kanyang tauhan na hindi na nito magagawa ang trabahong pinapagawa niya dahil may mga mata ng nakatingin sa bawat galaw niya. “Then do it when they're not around! Gawin mo ang pinapagawa ko sayo kung ayaw mong pulutin ka sa kangkungan!.” Galit pang sigaw ng binata dito. Mangiyak-ngiyak naman itong tumango. Nakipagkita kasi ang binata dito sa isang sirang gusali para hingin ang mga password ng mga bank accounts na pinagawa niya kung saan nito pinasok ang perang pinanakaw niya dito. “You better not stab me in the back if you want your family safe and alive!.” Huling pagbabanta pa ng binata bago ito yamot na umalis. Naiwang napaiyak naman ang tauhan ng binata habang napapaisip kung paano siya makakaal

