“MEANT TO BE”
EPISODE 12.
◆General's POV.◆
Ilang araw matapos nang nangyari kina CJ at Kristine ay hindi pa rin mapakali si Kristine. Lagi pa rin niyang naiisip ang pagkakamaling nagawa niya. Panay din ang tanong sa kanya ng kanyang mga kaibigan kung anong nangyayari sa kanya dahil napapansin ng mga ito ang kanyang madalas na pagkatulala pero puro iling at ngiti lang naman ang sinasagot niya. Naitanong din ng mga ito kung saan siya napunta at bigla siyang nawala nung nasa bar sila. Nagdahilan naman si Kristine na nakatulog siya at maagang nagising kaya umuwi nalang.
"Sis? Sis?."
Takang nagkatinginan sina Jessa, Kathlyn at Isabelle nang makitang tulala na naman si Kristine.
"Hoy sis?."
Tapik na ni Jessa kay Kristine kaya medyo nagulat pa ito pagkatingin sa kanya.
"O-Oh sis? Ba-Bakit? May quiz na ba?."
Gulat pang tanong ni Kristine at takang napapatingin sa tatlo.
"Hindi sis, lunch break na. Saan ka ba kasi nagpupupunta at wala dito ang isip mo?."
Nag-aalalang tanong naman ni Kathlyn kaya napatingin din si Kristine sa paligid at nakitang sila nalang ang tao sa loob ng classroom.
"A-Ah.. Hehe tara na."
Alanganing saad nalang ni Kristine na nagmadali pang umalis para hindi na magtanong ang mga kaibigan niya. Napapailing nalang din tuloy ang mga ito sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam si Kristine na pupunta siya ng coffee and cake shop. Inalok siya ng mga kaibigan niya na ihatid pero tumanggi siya kaya sinabi nalang ng mga itong mag-ingat siya.
Pagdating niya sa shop ay tinanong niya ang crew kung nasa opisina ba ang kanilang ate amo na si Divina. Nang sumagot ito ng oo ay nagpasalamat siya dito at pumunta ng opisina. Pagkatapos kumatok at marinig na pinapapasok siya ng nasa loob at pumasok na din siya.
"Ma-Magandang tanghali, ate."
Nahihiyang bati ni Kristine kay Divina. Ngumiti naman ito at pinaupo siya.
"Tine? Kumusta na? May problema ka ba? Ilang araw ka ng hindi pumapasok ah."
Nag-aalalang tanong pa ni Divina nang mapansin ang malungkot na mukha ni Kristine. Tumayo pa siya at niyakap si Kristine saka pinaupo.
Makalipas ang ilang minutong pananahimik ay utal-utal na sinabi ni Kristine ang sadya niya dito. Nalungkot naman si Divina sa narinig.
"Bakit Tine? Dahil ba kay Jastine? Wala naman sakin yun eh. Hindi kita sinisisi dahil alam kong biktima ka din. Hindi mo kailangang mag-alangan sakin."
Malungkot na saad pa ni Divina at naisip na kaya pala ilang araw na itong hindi pumapasok ng trabaho ay may plano na ito. Parang kapatid na din kasi ang turing niya kay Kristine kaya nalulungkot siya sa sinadya nito sa kanya.
"Hi-Hindi, ate."
Matigas na iling ni Kristine.
"Hindi naman po yun yung da-dahilan ko. Pa-Pasensya na po."
Saad pa ni Kristine at napayuko.
Kahit anong pilit ni Divina kay Kristine ay hindi naman ito nagpapilit. Napabuntong hininga nalang din siya at malungkot na pumayag sa gusto nito. Bago umalis ay yumakap pa si Kristine kay Divina at nagpasalamat. Humingi din siya ng pasensya pagkatapos.
Ilang araw ng hindi mapakali si CJ kakaisip sa kanyang nagawa kay Kristine. Naiinis siyang isipin na ginalaw niya ang inosenting babae na nadala lang din ng alak. Oo, naalala niya na din kasi ang lahat. Pinupuntahan niya din ito sa shop ng pinsan niya para kausapin pero lagi itong hindi napasok.
"Yow broh? What's wrong? Ilang araw ka ng hindi mapakali ah. Don't tell us, nasobrahan ka nung babaeng naikama mo dun sa bar? Masyado bang masarap? Haha."
Tawang puna pa ni Vin kay CJ na nakipag-apir pa kina Grey at Zane na natatawa din. Kasalukuyan silang nasa garden.
"That doesn't sound humorous to me. Stop it."
Badtrip na saad naman ni CJ kaya natigilan ang tatlo. Takang nagkatinginan pa sila dahil napikon ito gayong never pa naman itong napikon sa ganung usapan.
"Broh, I was just kidding. Don't take it seriously."
Saad na ni Vin at napahawak sa balikat ni CJ kaya napabuntong hininga naman si CJ at napasuklay ng buhok.
"I'm sorry, broh."
Hinging paumanhin naman ni CJ nang marealize ang inasal niya. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili niya kung bakit bigla siyang naging ganun.
"Pasensya na din broh."
Hinging paumanhin din ni Vin.
"Broh, what's bothering you? What's the problem? We are here. You can share it with us, we're brothers. And we are more than willing to listen."
Seryosong saad pa ni Zane.
"Nothing, broh. Just don't mind me. I'm just a little bit stress because of my dad."
Pagdadahilan ni CJ na hinilot-hilot pa ang sentido niya.
"You sure you're okay?."
Nag-aalalang tanong naman ni Grey. Tumango naman si CJ bilang sagot. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagpaalam din siya sa mga ito na may pupuntahan siya.
Pagdating ni CJ sa labas ng shop ng pinsan niya ay bahagya siyang nakabangga ng babaeng palabas ng pinto dahil abala siya sa pagdukot ng nagriring niyang cellphone na nasa kanyang bulsa habang naglalakad. Dito kasi siya pumunta at muling nagbakasakali.
"Agh! Sorry."
Hinging paumanhin naman ni CJ sa babae na agad nalang ding umiwas at pahapyaw na tiningnan ang mukha ng babae dahil sa pagmamadali. Napatigil naman siya sa paghakbang nang tila pamilyar ang mukha ng babae.
"M-Miss, wait."
Tawag pansin pa dito ni CJ kaya napatigil ito sa paghakbang.
Pagkalabas ni Kristine ng shop ay siya namang salubong ng isang tao sa kanya. Nakayuko din siya kaya bahagya siya nitong nabangga sa may braso. Humingi ito ng paumanhin na siyang nagpakaba sa kanya dahil tila pamilyar sa kanya ang boses nito. Napalaki din ang mga mata niya nang mapagtantong tama ang hinala niya pagkalingon niya dito.
"Gosh! Bakit ba naman kasi nandito siya?! Bakit kung kailan nandito ako?! Aaarrrggghhh!."
Kinakabahang bulong ni Kristine sa sarili niya at naglakad ng mabilis. Iniiwasan niya kasing muling magtagpo ang landas nila ni CJ kaya lahat ginagawa niya para hindi sila magkita.
"M-Miss, wait."
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Kristine sa kaba at napatigil sa paghakbang nang marinig ang pagtawag nito. Alam niya kasing siya ang tinatawag nito. Napapikit siya ng mariin at tahimik na umusal ng panalingin na sana hindi siya nito lapitan.
Napatingin si CJ sa pamilyar na babae at akmang lalapitan ito nang bigla na namang magring ang phone niya kaya muli siyang napatigil at nabaling dito ang atensyon niya.
Laking pasasalamat ni Kristine nang makarinig ng pagring ng phone na alam niyang sa pinsan ng amo niyang si Divina.
"Hello? Who's this?."
Sagot ni CJ ng tawag ng makitang unregistered number ito.
Nang maramdamang abala sa pakikipag-usap si CJ ay pasimpleng naglakad si Kristine palayo at lumiko para makapagtago. Napahawak pa siya sa dibdib niya at napahinga ng malalim bago muling naglakad paalis.
"It's me, Grace. Where are you, baby?."
Malanding sagot naman ng nasa kabilang linya na siyang kausap ni CJ.
"How did you get my number?."
Kunot-noong tanong naman ni CJ.
"You knew me, getting your number will never be that hard. Anyway, I just call to ask if you're... free tonight?."
Sagot pa nung Grace. Isa ito sa mga naka-one night stand ni CJ na naging obsess sa kanya. Pilit niya din itong pinagtatabuyan pero patuloy naman ito sa pangungulit.
"I don't have time for this, Grace. By---"
"Oh! Well, I say you must come. You should come, baby. You should... if you don't want me to share our dirty little secret to your brother."
Mahihimigan ang malanding ngiti ng babae sa kabilang linya dahil sa pananakot nito. Napahawak naman si CJ sa phone niya ng mahigpit dahil dito.
"Same place, same time tonight. See you baby, Mmuuaah! Haha."
Huling saad pa ni Grace na siyang nagpainis kay CJ.
"Damn it!."
Yamot pang sigaw ni CJ. Bigla din siyang napalinga-linga sa paligid nang maalala ang pamilyar na babae pero wala na ito.
Tuluyang pumasok si CJ sa shop at tinanong ang crew na siyang napagtanungan niya din dati kung nakita ba nito ang babaeng nakasagutan nila ng pinsan niyang si Divina.
"Ah opo, boss. Pumunta po siya sa opisina ni ate Divina."
Sagot ng crew kaya tumango naman si CJ at agad na nagmadaling pumunta sa opisina ng pinsan niya.
"Ate Devy?."
Medyo nagulat si Divina sa biglang pagbukas at paglitaw ng nagmamadaling si CJ. Nagtaka pa siya ng palinga-linga ito na tila may hinahanap.
"Where's that woman?."
Kunot-noong tanong pa ni CJ nang walang makitang ibang tao sa opisina ni Divina.
"Woman? Who?."
Takang tanong naman ni Divina.
"One of your crew. The one who betrayed you! Where is she?."
Nagmamadaling saad at tanong pa ni CJ na tila may naghahabol sa kanya.
"She just left. You might be able to see her......"
("Agh! Sorry.")
Muling naalala ni CJ ang babaeng nabangga niya sa may pinto ng shop habang nagsasalita si Divina kaya tila wala na siyang narinig sa sinabi nito.
"Excuse me."
Nagmamadali niya pang paalam sabay takbo paalis. Naiwang napanganga naman si Divina dahil dito.
Paglabas ni CJ ng shop ay tumakbo pa siya papunta sa kung saan niya nakitang pumunta ang nabangga niya. Patuloy siya sa paglinga-linga pero wala siyang nakita kaya hingal na napamura nalang siya.
Matamlay na bumalik si CJ sa opisina ng pinsan niya. Nagtataka pa rin ito sa kinikilos niya.
"Why are you looking for her? Is there something you need?."
Takang tanong pa ni Divina.
"What did she came here for, ate? At bakit hindi na siya napasok tuwing hapon? Did you change her schedule?."
Sa halip ay tanong naman ni CJ.
"Couz, ano bang nangyayari? Why are you being like this? Is there something I do not know?."
Takang tanong pa ni Divina nang mapansin ang kakaibang kinikilos ni CJ.
"Just answer me, ate. Please!."
Saad naman ni CJ. This is the first time na marinig ni Divina na mag-please ang pinsan niya kaya lalo siyang nagtataka dito.
"I changed nothing. She resigned."
Maya-maya'y saad na ni Divina kahit naguguluhan. Napalaki naman ang mga mata ni CJ dahil sa gulat. Napasuklay din siya ng buhok dahil sa frustration na nararamdaman.
Oo, yun ang naging sadya ni Kristine kay Divina. Nagresign ito sa kanyang trabaho. Hindi dahil kay Jastine kundi dahil kay CJ. Ayaw na kasi ni Kristine na mag-cross pa ang landas nila ng pinsan ng amo niyang si Divina.
⇨⇨⇨⇨⇨
Pagsapit ng hapon at pagkatapos ng klase nila Kristine ay naglakad na sila sa hallway palabas. Laking pasasalamat din ni Kristine dahil hindi siya nakita ni CJ nung pumunta siya sa coffee and cake shop.
"Haaaayyyy.. Thanks God pauwi na tayo. I'm so tired. Aaaarrrrhhh..."
Saad ni Jessa na umunat-unat pa ng katawan.
"Suuussss... Napagod ka lang kakatulog sa buong klase eh."
Asar naman dito ni Kathlyn.
"Hmmp! Hindi kaya. Ang dami ko ngang sagot kanina sa quiz natin eh."
Pout na saad naman ni Jessa na parang bata.
"Ang dami ka'mong nakopya kay sissy."
Natatawang asar din ni Isabelle. Lagi din kasi silang nangongopya kay Kristine.
"Tine! Tine!."
Napatingin silang apat sa kanan nang makarinig ng pagtawag mula dito.
"Jake, hi. Ikaw pala."
Ngiting bati naman dito ni Kristine. Binati din siya ni Jake at ang mga kaibigan niya. Umaktong kinikilig pa ang tatlo na tila nang-aasar kay Kristine.
"I'm glad nakita kita."
Ngiting saad pa ng hinihingal na si Jake. Tumakbo kasi ito palapit sa kanya.
"Bakit?."
Tanong ni Kristine.
"Ah.. Eh.. K-Kasi.."
Napapakamot sa ulong saad pa ni Jake na halatang nahihiya.
"Ano yun?."
Takang tanong naman ni Kristine.
"Ah.. Eh.. Ma-May laro kasi kami sa susunod na miyerkules eh. Gusto sana kita ayaing manuod kung pwede?."
Nahihiyang tanong pa ni Jake. May laro kasi ang team nito laban sa ibang team na nasa ibang departamento lang din ng kanilang school.
"Hmmm.. Anong oras?."
Isip at tanong naman ni Kristine.
"Mga alas-tres. Pwede ba, Tine? Gusto ko lang kasing magkaroon ng inspiration eh para naman ganahan akong maglaro."
Banat pa ni Jake na nagpangiti kay Kristine ng alanganin.
"Eeeeeeehhhhhh!!!."
Impit na tili naman ng tatlo ng marinig ang sinabi ni Jake. Napailing naman si Kristine sa mga ito saka muling tumingin sa gawi ni Jake.
"Hmmm.. Sige manunuod ako."
Maya-maya'y sagot na ni Kristine.
"Yes! Wednesday it is."
Masayang saad pa ni Jake at turo kay Kristine saka nagpaalam at umalis.
Napapailing naman si Kristine dahil sa energy na nakikita dito. Pabirong kinukurot-kurot pa siya sa tagiliran ng tatlo niyang mga sissy pagkaalis ni Jake. Hanggang sa nagkulitan na din sila.
Buong hapong wala sa mood si CJ dahil sa kanyang nalaman. Alam niyang iniiwasan siya ng babae, but she didn't expect na magreresign ito.
"Broh, pupunta kami kina Jimboy. May naghahamon daw ng race eh. Hindi ka ba sasama?."
Tanong ni Zane kay CJ pagkasakay nila sa kani-kanilang motor.
"Syempre sasama ak---"
Napatigil sa pagsasalita si CJ nang magring ang phone niya. Agad niya itong tiningnan at nakitang unregistered number ito pero alam niyang kay Grace ito dahil tinandaan niya ang numero nito.
"Broh, aren't you gonna answer the call? It could be important."
Pansin ni Vin kay CJ nang makitang napatitig lang ito sa phone at halatang walang balak na sagutin ito.
Hinayaan lang ni CJ na mag-ring ang phone niya at inilagay sa kanyang bulsa saka tumingin sa kanyang mga kaibigan at napabuntong hininga.
"Hindi ako makakasama, mga broh. I have to go home."
Biglang bago ng isasagot sana ni CJ kay Zane. Takang napatingin naman sa kanya ang tatlo.
"Broh, are you sure?."
Takang tanong naman ni Grey.
"Yeah. Just.. see you, guys, tomorrow."
Tangong sagot naman ni CJ. Nakipag-apir na din siya sa tatlo saka nagpaalam at umalis.
Yamot na nagmaneho si CJ papunta sa lugar kung saan siya pinapapunta ni Grace. Naiinis siya sa pananakot nito sa kanya. Sa inis ni CJ ay naparotor siya ng malakas.
(Broooooommmm!
Broom Brooooommmm!)
Rotor niya pa ng malakas dahil sa yamot. Nanggigigil din siya na tila gusto na niyang manakit. Sumabay din sa yamot niya yung katotohanang iniwasan siya ng babaeng gusto niyang makausap.
(Pep! Peeeppp! Peeeeeppppp!)
Napatingin si CJ sa unahan niya nang may biglang bumusina ng malakas. Nagulat siya nang makitang isa itong truck at nasilaw siya sa liwanag na galing dito.
(SCCCRRREEETTTCCCHHH!!!)
Napapreno ng sobrang lakas ang track nang makitang sasalubong sa kanya ang isang motor.
(Screeeessssshhhhh....)
Tila expert na inikot naman ni CJ ang motor niya para makaiwas sa truck. Tagumpay na sana siya nang bigla namang may lumitaw na motor na nasa likod pala ng truck. Mabilis niyang inikot ang manibela niya dahilan para maidiretso niya ito papunta sa gilid ng tulay.
(BOGSSHH!)
Hindi na nagawa pang maiwasan ni CJ ang pagkahulog ng motor niya sa tulay. Mabuti nalang at tubig ang babagsakan niya. Naisip niyang lalangoy nalang siya paitaas sa tubig pero sa kasamaang palad ay tumama ng malakas ang paa niya sa kanyang motor pagkabagsak niya dahilan para mainjured ito.
"Hrrrrrrmmmmm!!!."
Impit na daing pa ni CJ dahil sa sakit ng pagkatama ng kanyang paa. Sinubukan niya ding lumangoy paitaas pero hindi na niya nagawa nang nahirapan na siyang huminga at tuluyang mawalan ng malay.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.