Chapter 3

1247 Words
Pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi na pumayag si Elise na mag-stay pa siya sa hotel. Pinilit siya ng kaibigan na sa bahay na nito manuluyan habang nandito siya sa Pilipinas. At hindi niya iyon tinanggihan dahil umaasa siyang magkita sila doon ni Xander. Although, alam niyang may sarili itong bahay. Gusto niya itong makausap. Alam niyang huli na, pero gusto pa rin ni Mara na ipaalam sa binata ang dahilan ng pag-uwi niya rito. Nais niyang malaman ni Xander na minahal...at mahal na mahal pa rin niya ito. Naiintindihan niya ang kanilang sitwasyon. Tanggap ng isip niya na wala na siyang papel sa buhay ni Xander at magiging panggulo lamang siya kapag isiniksik pa niya dito ang sarili. Pero paano naman ang kaniyang puso na sobrang mahal na mahal ang binata? Ganon-ganon na lamang ba niya bibitawan ang tatlong taon niyang paghihintay para sa muli nilang pagkikita? "You look so sad. Noong isang araw pa kita napapansin." Napakislot si Mara nang marinig ang boses ni Elise. Nakatayo siya noon sa veranda at nagpapahangin. Gusto niyang makalanghap ng hangin dahil kahapon pa niya nararamdaman na parang sasabog ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit. May lungkot sa mga matang pumihit siya paharap kay Elise. Bigla ay nakakita siya ng masasandalan. Bakit nga ba hindi niya sabihin dito ang pinagdadaanan? Nang sa ganon ay mabawasan ang bigat sa kaniyang dibdib. Saka kahapon pa niya ito napapansin na tila balisa, na para bang may gustong malaman mula sa kaniya. She smiled painfully. "Tell me, bessie, may karapatan ba akong masaktan para sa mahal ko at sa taong minsan ko ng pinakawalan at sinaktan?" Aniya sa garalgal na boses. Ilang segundo itong hindi umimik bago muling nagsalita. "Ayokong isiping tama ang woman's instinct ko. Pero nong gabi pa lang na nagkita kayo, alam kong may something na sa inyong dalawa." Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. "Correct me if I am wrong, si kuya Xander ba 'yan?" Bahagya lang nagulat si Mara. Hindi na bago sa kaniya ang talas ng pakiramdam ni Elise. Para saan pa at nagtapos ito ng AB Psychology. Tinalikuran niya ito at tumingala sa kalangitan. Sa naninikip na dibdib ay ikinuwento niya kay Elise ang lahat-lahat ng nangyari sa kanila ni Xander. "Ako ang nagtulak sa kaniya palayo sa'kin. Hinayaan ko siyang makawala dahil sa takot ko noon na baka saktan lang din niya ako. Huli na nang malaman kong hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya, na sobra na siyang napamahal sa'kin." She can feel her eyes burning inside. "Nahuli ako ng dating, bessie. Pag-aari na siya ni Abigail." Pumiyok ang boses ni Mara kaya huminto siya sa pagsasalita. "Sabi na nga ba, eh." Napabuntong-hininga na tugon ni Elise." May iba talaga akong naramdaman habang pinagmamasdan ko kayo noon sa bar. It's the way you look with each other. At kahit kailan ay hindi pa nag-wa-walk out si Kuya sa tuwing dinadala siya ni Abigail sa mga gatherings namin." "Hindi ko rin alam kung bakit parang galit siya sa'kin." Naguguluhang saad ni Mara. Napapaisip na sumandal sa pader si Elise. "Noong unang dumating sa buhay namin si Kuya, nabanggit na niya sa'min na galing siyang Las Vegas. Ilang beses ko siyang tinanong noon kung bakit sa hinaba-haba ng panahon ay ngayon lang siya nagpakilala sa'kin. Kung bakit ngayon lang niya natanggap si Daddy. Alam mo ba kung ano ang sagot niya?" Nilingon siya ni Elise. "Dahil mayroon daw babaeng nagpa-realized sa kaniya ng lahat. Naikuwento niya sa'kin ang tungkol sa babaeng nakilala niya sa Vegas. Kung paano sila nagsimula at kung paano sila natapos. Palagi niyang sinasabi sa'kin kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon." Hinihingal itong tumigil saka nagpatuloy. "Tinanong pa niya ako kung tama daw bang sinukuan niya ang babaeng 'yon. Ang sabi ko, hindi. Because if you really love that person, dapat ipaglaban mo siya." Elise's chuckled. "Hindi ko alam na sinunod niya pala ang payo kong 'yon. Hanggang sa nalaman ko na lang na bumalik na siya ng Vegas para balikan ang babaeng'yon. " She was shocked. Binalikan siya ni Xander? "Pero nagulat na lang ako at bumalik siya kaagad. Simula nong araw na bumalik siya galing Las Vegas ay napansin kong naging malungkutin siya at lasenggo. Hindi na rin siya nagkuwento tungkol sa babaeng 'yon." Huminga ng malalim si Elize, bago nagpatuloy sa pagkukuwento. "Ang sabi lang ni Abigail, niloko siya ng babaeng 'yon." "Ha? Anong niloko? Alam mong hindi ako gan'on. Saka hindi na kami muling nagkita simula nong umuwi siya dito sa Pilipinas." Nagkibit-balikat si Elise. "I don't know the whole story. Hindi na rin kasi ako nagtatanong kasi alam kong magmumukha lang akong tsismosa. Pero ang alam ko lang nagalit ako sa babaeng 'yon, sa'yo. Dahil naging miserable noon ang buhay ni kuya. Kaya nga ipinakilala ko sa kaniya si Abigail, sa pagbabakasakaling makatulong. At mukhang hindi naman ako nagkamali dahil unti-unti siyang umayos." Nasapo ni Mara ang noo dahil sa kalituhan. "What should I do, bessie?" Nalulungkot itong humarap sa kaniya. "Actually, hindi ko rin alam. Pero sabi mo nga minahal mo siya, at ramdam ko naman 'yon. Pero may kasalanan ka rin, eh, dahil pinakawalan mo siya." Prangka nitong sagot. " Kaya don sa tanong mo kanina, kung tama bang masaktan k sa mga nalaman mo, oo. You have all the right to feel that." malakas na napabuntong-hininga ang kaibigan niya. "Pero masiyado ng kumplikado ang lahat." "Wala ba akong karapatang bawiin siya, bessie?" Tila nanghihingi ng tulong na tanong niya kay Elise. Puno ng simpatiya na hinawakan nito ang mga kamay niya. "Gusto kong sabihin sa'yo ang ipinayo ko noon kay Kuya, na kapag mahal mo talaga, ipaglaban mo. Pero naghirap si Abigail sa kaniya, bessie. Hindi lingid sa barkada ang pinagdaanan niya bago siya tuluyang minahal ng kapatid ko. Napakawalang-kuwenta ko namang kaibigan kong babalewalain ko 'yon at sabihin sa'yo na kunin ang mahal niya at dating sa'yo, 'di ba?" Pinisil nito ang kamay niya. "Alam natin ang pinagdaanan niyang lungkot ng mamatay ang mga magulang niya. Hindi ko kayang makita na nawawala na naman sa kaniya ang taong mahal niya. Si kuya na lang ang mayroon siya ngayon. Ayoko ring isipin ni Abby na pinapaboran kita porke't mag-bestfriend tayo." She smiled bitterly. Naiintindihan iyon ng kaniyang isip. Pero tumatanggi ang kaniyang puso. "So are you telling me to give up? Aattend ako ng kasal nila na parang wala lang? Uuwi ako ng Las Vegas at kalimutan na lang ang lahat?" "Minsan ka na ring naging biktima ng pag-ibig. Alam mo kung ano ang mararamdaman ni Abigail sakaling inagaw mo sa kaniya ang lalaking pinakamamahal niya." Napahagulhol si Mara at yumakap kay Elise. Kung tutuusin, hindi siya dapat nagkakaganito. Dahil wala namang official on na nangyari noon sa pagitan nila ni Xander. Nagkataon lang na nahulog ito sa kaniya...na pinakawalan niya. Kaya wala itong obligasyon na tuparin ang pangako nito sa kaniya noon. Dahil nong hinayaan niyang umalis sa buhay niya si Xander ay para na rin niya itong inilagay sa 'bidding'. And it only happened that Abigail was the highest bidder who won him... "You're one of the smartest woman I know." Tinapik-tapik ni Elise ang kaniyang likod para patahanin siya. "Kaya alam kong maiintindihan mo ang sitwasyon..." Lalong lumakas ang pag-iyak ni Mara. Mukhang kailangan niya ng matapang na kape para mahimasmasan. O 'di kaya ng sandamukal na anesthesia para pampamanhid. Dahil kung tatanggapin niya ang mga sinasabi ni Elise, dapat simula ngayon ay kalimutan na niya ang nakaraan nila Xander...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD