Nagbihis agad si Krisilda upang sasama sa Ina sa mansion sa hacienda at tutulong roon sa Gawain. Pinili ni Krisilda Ang pinakamagandang t-shirt na kulay pink at jeans na black. Kahit simple lang iyon ngunit bagay na bagay rito nang titingnan nito ang sarili sa salamin. "Perfect!" Sigaw ng isip ni Krisilda. Pagdating nila roon. WELCOME BACK TO HACIENDA SENIORITO DENZ SANDOVAL... Iyon Ang nabasa ni Krisilda sa malaking tarpuline na nakalagay sa labas ng Malaking mansion kung saan ganapin Ang malaking party sa mansion ng mga Sandoval sa Hacienda. Naabutan nilang abala ang mga katulong sa Mansion sa paghahanda. Si Rosita MISMO ang kusinera ng mansion Ang naghahanda at nagluluto ng mga paboritong putahe ng Seniorito. ilang taon na rin itong naninilbihan bilang kusinera ng mga Sandoval. kay

