"Ma'am Yassy, maliit pa lang ang aking ama ay nandito na siya sa lupang ito. Kaya parang awa niyo na huwag niyo itong gagawin sa amin!!" Ani Anna.
"Napaka-walang puso niyong mga mayayaman! Naghihirap na nga kami, mas pahirapan niyo pa!" Ani Mang Doro.
"At saan kami titira, Ma'am Yassy Gatchalian? Kung papaalisin niyo kami rito..?" Salubong ang kilay na tanong naman ng ina ni Anna.
"That's not my problem! Kung saan kayo titira—kung hindi lang sana lumandi itong anak niyo sa taong may asawa na, hindi sana ito mangyari sa inyo!" Taas-kilay na wika pa ni Yassy.
"Hindi ko nilandi ang asawa niyo, Ma'am! Bakit mo ba ipagpipilitang may kasalanan talaga ako? Alam niyo namang wala, hindi ba!?" Iyak na namang sabi ni Anna.
"Ohh, huwag kang magpapanggap na biktima, Anna! Ako ang niloloko at ako ang biktima rito!" Sabi pa ni Yassy.
Bumaling itong muli sa mga magulang ni Anna.
"Mr. and Mrs. Sebastian, after five days na ibinigay ko sa inyo, kailangang wala na kayo rito at nasira na ninyo itong bahay ninyo! Pagbalik ko, kapag makikita ko pa itong bahay ninyong nakatayo rito ay ako MISMO ang magpapasira nito! Let's go, Attorney Rusco!" Ani Yassy at nagpatiuna na itong humakbang paalis.
Sa Pamilyang Gatchalian
Napahimas si Bella sa sariling noo dahil sumakit na naman iyon dulot ng pagtatalo na naririnig na naman sa mga magulang nito.
"Kailan man ay hindi ka talaga nagbabago, Frederick! Paulit-ulit mo nalang akong niloloko! Kaya suko na ako at gusto kong makipag-separate na sa'yo ngayon din!!" Naririnig ni Bella na sabi ng kanyang ina.
Babae nanaman ang dahilan ng pag-aaway ng kanyang mga magulang.
"Parang hindi ka na nasanay pa sa akin, Amanda! Ang importante ay ikaw ang legal kong asawa at dala-dala mo ang aking apelyido. At sila naman ay palipas-oras lang sa buhay ko. And you—you're still my wife at wala akong balak na palitan ka as a legal wife! Did you get what I mean, Amanda!?" Sabi naman ng ama ni Bella.
Napapailing si Bella sa mga naririnig. Napakagulo ng pamilya meron siya. Masasabing mayaman nga sila pero parang kalbaryo naman ang buhay ng pamilya nila. Kinuha ni Bella ang sling bag na may lamang cellphone niya at agad na dumeretsong umalis.
Magsasalita pa sana si Mrs. Amanda Gatchalian ngunit natigil ito at ang asawang si Frederick nang biglang dumaan ang anak nilang si Bella na walang ka-ikim-ikim na deretso itong humakbang palabas.
"Bella, iha! Where are you going, anak!?" Tawag pa ni Mr. Frederick Gatchalian.
"Ohh, did you see, Frederick?? Naririnig na naman tayo ng anak mo!!" Singhal ni Mrs. Amanda Gatchalian.
Mabilis namang sinundan ni Amanda ang anak palabas, at sasakay na sana ito ng sarili nitong kotse nang maabutan ito ng ina.
"Wait, Bella, anak.." Ani Amanda.
Walang expression na tumingin si Bella sa Ina.
"I'm sorry, anak. Alam kong naaapektuhan ka na sa amin ng Daddy mo.."
"I need a peaceful place, Mommy. Kaya hayaan mo muna ako.." Ang sabi ni Bella at tuluyang sumakay agad sa kotse nito.
Nagbusina muna ito para buksan ng maid ang gate nila para mailabas nito ang kotse ng dala.
Nagiging masaya lang si Bella kapag may commercial siyang isasagawa bilang modelo. Isa siyang sikat na modelo na pinag-aagawan ng bawat kompanyang kukuha sa kanya. Nagiging sikat kasi ang isang kompanya kapag siya ang nagiging modelo ng mga produkto nito, sa dami ng kanyang mga fans dahil sa kanyang angking natural na ganda. At sa iisang commercial lamang ay kumikita si Bella ng malaking halaga. Kaya nagiging isa siyang milyonaryang modelo, at bukod pa roon ay galing pa siya sa mayamang angkan ng mga Gatchalian.
Kaya ang akala ng marami ay maligaya siya sa totoong buhay niya. Mula nang bata pa siya ay hindi niya nakikitang nagmamahalan ang kanyang mga magulang—puro nalang away ang namamagitan sa mga ito. At ngayon, idagdag pa ang problema niya tungkol sa lalaking mahal niya—si Gimme Gonzalez.
Sobrang nanghihina si Bella dahil siya mismo ang hinawalayan ng boyfriend dahil hindi raw ito masaya sa kanya. At noong isang araw ay nakikita niyang may kasama itong simpleng babae lamang. Hindi siya makapaniwala na sa kanyang ganda at sa kanyang pagkatao ay ipagpapalit lang siya ng boyfriend sa isang babaeng malayo kung ikukumpara sa kanya.
Sa isang probinsya ng Isabela at tahimik na lugar ay nagpupunta si Bella, kung saan naroon nakatira ang kanyang Lola. Susubukan niyang mag-stay ng ilang araw sa Lola niyang nasa otsenta na ang edad na walang iba kundi si Lola Ambrosia Valdadora Gatchalian. Ina ito ng kanyang amang si Frederick Gatchalian at ng kanyang Tito na si Alfredo Gatchalian. Ang kanyang Lola ang may pinakamaraming ari-arian at kayamanan na napamana nito sa pamilyang Valdadora, at nagiging isa na itong Gatchalian dahil isang Gatchalian ang napangasawa nito—ang kanyang Lolo. At nakakahiya mang isipin ay isa itong bantog na mangkukulam sa lugar nito. Galing pa sa mga malalayong lugar ay nagpupunta sa kanyang Lola para magpapakulam.
Bumusina si Bella ng dalawang beses sa labas ng malawak na gate ng malaki at lumang mansion ng kanyang Lola Ambrosia. Pinagbuksan naman agad si Bella ng isang nakasuot ng lubos na itim na damit na maid. Lahat ng uniporme ng mga maid ng kanyang Lola ay kulay itim iyon at hindi gusto ng Lola niya ng ibang kulay.
Habang pumapasok si Bella sa loob ng malaki at lumang mansion ng kanyang Lola ay nagulat nalang siya nang bigla nalang lumitaw sa kanyang harapan ang kanyang Lola na naka-suot din ng lubos na itim.
"Lola!" Ani Bella.
Nakasuot ito ng salamin sa mga mata at saglit na tumitig sa kanya. Pagkatapos ay ngumiti ito at humagikhik.
"Hehehehehe!! Salamat at naiisipan mong bibisitahin ako, apo. Ang aking nag-iisa at napakagandang apo na mahal na mahal ni Lola.." Ang sabi ng matandang mangkukulam.
"Hi, Lola! I missed you so much." Ani Bella sabay halik rito sa pisngi para maibsan naman ang kanyang pagkatakot sa kanyang Lola Ambrosia.
Muli itong tumitig sa kanya.
"May problema ka, apo. Damang-dama ko ang iyong panghihina—ito'y tungkol sa iyong love life. Tama ba si Lola Ambrosia? Hehehe!!!" Muling wika at hagikhik ng matanda.
Nabigla si Bella.
"H-ha?? H-how did you know, Lola..?" Takang tanong ni Bella.
"Basta alam ko, apo..." Mariing wika nito.
Samantalang sina Anna ay walang nagawa nang dumating na ang LIMANG ARAW na itinagal sa kanila. Nag-iiyakan na lamang ang buong pamilya ni Anna habang pinasisira ni Yassy ang bahay nila sa tatlong mga tauhang binayaran ni Yassy upang sirain lamang ang bahay nina Anna.
Hindi kasi nila magawang sirain ang kanilang bahay dahil ilang taon itong pinaghirapan ng ama nila. Pawis at dugo ang naging puhunan upang makapagpatayo lamang ng bahay ang ama ni Anna. Kahit maliit lang ang bahay nila pero maganda at maayos naman ito.
Kitang-kita ni Anna ang pagtulo ng sunod-sunod na luha sa kanyang amang si Mang Doro na naging inoperahan na sa ngayon. Sobrang nasasaktan ito sa nakikitang pinasira talaga ni Yassy ang bahay na pinaghihirapan nito.
"Tay.." Iyak ni Anna na niyakap ang amang hindi na makakalakad.
Pati ang mga bahay ng dalawang nakakatandang kapatid ni Anna na lalaki na may sariling pamilya na ay pinasira din iyon ni Yassy, dahil nakatirik din ang bahay ng mga ito sa nasambit na lupaing nabili ng mga Gatchalian.
"Wala na tayong tahanan at lupa, anak. At hindi pa ako makakatulong sa sitwasyon nating ito dahil hindi na ako makakalakad.." Malungkot na wika ni Mang Doro.
"Ate Anna, saan na tayo titira nito?" Iyak na tanong ni Carmen.
"Sayang naman ang bahay natin, Ate, Tay, Nay." Anang batang si Lara na umiiyak din sa lungkot.
"Sige na, Doro, aakayin na kita ng mga anak mong lalaki. Aalis na tayo dito. At anak, Anna—pagtutulungan nating dalhin itong mga gamit natin at babalikan nalang natin kung may matitira pa." Ang sabi naman ni Aling Wella.
"O-opo, Nay..." Mahinang sagot ni Anna.
Samantalang si Sam ay umiiyak ng lihim at sinuntok nito ang punong mangga na nasa bakuran nila. Galit siya sa sarili dahil sa nangyari kina Anna—lalo na at wala siyang naitutulong sa mga ito.
Naawa naman ang pamilya ng kaibigan ni Anna na si Lisa kaya doon sila pinatitira sa lupa ng mga ito. At dahil wala pa silang mga bahay ay nagtotolda nalang muna ang buong pamilya ni Anna.
Nagalit naman si Yassy nang mabalitaang hindi naman lumayas sina Anna sa malayong lugar kundi nasa lupa ito ng pamilya ng kaibigang si Lisa. Kaya lihim na nag-utos ng dalawang lalaki si Yassy na gahasain si Anna kapag magkaroon ng tyempo ang mga ito.
Ginahasa nga si Anna ng mga inuutusan ni Yassy. Kaya laking gulat naman ng mga magulang ni Anna nang dumating si Anna na parang wala sa sarili. Umiiyak ito ng malakas, magugulo ang mga buhok nito at namumutla.
"Anna! Anong nangyayari sa'yo, anak!?" Tanong ni Aling Wella.
"N-nay... G-ginahasa po ako! Ginahasa po ako, Nay!!" Sigaw ni Anna at umiiyak ng malakas.
"Ano!? Hindi 'yan totoo! Hindi!!!" Malakas na iyak at sigaw ni Aling Wella.
"Sino ang may gawa sa'yo nito, anak!? Sino!??" Galit na galit na tanong ni Mang Doro.
"S-sabi ng dalawang nakamaskarang gumahasa sa akin—inuutusan lang daw sila ni Yassy!!!" Halos mababaliw na sagot ni Anna.