Chapter 1

1844 Words
" JUAN MIGUEL! " Napalingon ako sa babaeng kapapasok lamang ng restaurant na kinaroroonan ko ngayon habang hinihintay ang cliyente kong inalok kong sumali sa networking na sinalihan ko. Matagal-tagal na rin ako sa networking na to at malaki-laki na rin ang naipundar ko. Marami na rin akong narecruit kahit pa hirap makapangengganyo dahil malaki ang membership fee. Namumula sa galit yung babae. Maganda pa naman sana, mukhang modelo. Ang tangkad nya at ang ganda ng hubog ng katawan. " Tangina! Itago nyo ko pre! " Napalingon ako sa katabing table na may grupo ng mga lalaki. Ang tatangkad nila at masasabi mong may mukhang ipagmamalaki talaga. Sa katunayan nga'y halos lahat ng mga babaeng customers ay napapalingon sa kanilang gawi. Yung taong nagsabing itago sya ay kusang itinago na nito ang sarili sa ilalim ng lamesa. Pamilyar ang mukha nung lalaki, di ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.Mabuti na lamang at mahaba ang mantel na nakatakip at nakapatong sa ibabaw ng lamesa. " Tangina mo Migz, araw-araw nalang may naghahanap sayo. Sino na naman yan? " Bulong nung isang kasama nila. " Di ko alam, sa dami ba naman nila, di ko na sila matandaan isa-isa! " Napaawang ang labi ko sa sagot nito. Unbelievable! May mga lalaki pala talaga na ganyan! Ginagawa lang laruan yung mga babae. " Gagu mo pre! " " Landi ka kasi ng landi! " " Nahiya naman ako sayo Kevin! " " Atleast ako may closure! " " Closure amputa! " " Palapit na dito! " Saad nung Kevin. Tumutunog ang mga takong ng babae sa sahig ng restaurant habang nagmartsa palapit sa grupo ng mga lalaki. " Wag nyo kong ipagkanulo! Utang na loob! " Saad naman nung nagtatago. " Where's Juan Miguel? " Mataray na tanong ng babae. She stood up in front of them, she placed her both hands on her waist. " Jeric! Nasan daw. " Mabilis na saad nung isang kamukha ni Chris Hemsworth. " Ba't ako tinatanong mo? Nathan baka may alam ka! " Siniko nito ang katabing tila walang paki sa paligid, he was peacefully eating his salad. " I don't know, ask Justine. " The guy that Nathan metioned, sipped on his glass first before answering. " Kevin, diba magbestfriend kayo? ilabas mo na. " He calmly said. " Adrianne dude baka may alam-" Saad naman nung Kevin. I rolled my eyes, totoo nga pala ang sabi-sabi wag magtiwala sa mga kaibigan ng jowa mo. " Will you please stop covering that asshole! Alam kong nandito sya, I tracked his phone location! " Dali-dali nitong kinuha ang cellphone mula sa dala nitong kili bag. " Look! He's here! so where is he? " " Uma-lis na yaaaata " One of the friends told the girl. Maya-maya ay may pinidot ito sa kanyang cellphone pagkatapos ay inilagay sa tenga. Biglang may tumunog na cellphone. " See?! He's here! Ilabas nyo na kasi kaibigan nyong walang bayag! Ang liit pa ng t**i! " " Hoy! Anong pinagsasabi mong maliit! Nabilaukan ka nga diba, ulo pa nga yung nakain mo! " Biglang lumabas mula sa ilalim yung nagtatago. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Ang iba'y natatawa. Isa-isang pasimpleng nagsitayuan ang mga kaibigan nito at dahang-dahang umexit. May isang nakuha pang tapusing inumin ang wine, yung kamukha ni Ian Somerhalder. " Why did you ditch me after that one wild night! huh? Didn't you like it? Kinasya ko lahat sa bibig ko kahit sobrang laki mo, I swallowed everything for you! " Biglang napabuga ang kamukha ni Ian Somerhalder ang ininom nitong wine sa gilid ng mukha nung hinahanap ng babae na si Juan Miguel. " Ang hayop mo pre! Ano kala mo sa mukha ko lababo? " Di ko na napigilan ang sariling matawa maging ang mga nakapaligid sa kanila. Pinunasan nya to gamit ang isang kamay. Namumula na sa pagpipigil humalakhak ang iba nitong mga kaibigan. " Sorry Miggy! Di ko sinadya! " Natatawang saad nung napabuga, kumuha ito ng table napkin at tinulungan nga syang punasan ngunit tinatawanan naman sya. " Duda talaga ako dyan sa di mo sinadyang hinayupak ka! " Binalingan nito ang babae ng makitang natawa ito. " Tinatawa mo dyan? " Galit-galitan nitong saad. " I Love you Juan Miguel... " " Ang taray, isang gabi lang yun, mahal mo agad ako? Alam mo naman sa simula pa lang ayaw ko na ng commitment! Akala ko ba nagkakaintindihan tayo-" " Waaaaaaaaaah! haaaaaah! " Biglang pumalahaw ng iyak yung babae. Bigla itong lumuhod, niyakap nito ang lalaki, biglang naitakip nung lalaki ang dalawang kamay sa ibabang bahagi nito ng isubsub doon ang mukha ng babae habang umiiyak. Napakunot ang noo ko, now I remembered him. Sya yung lalaking bastos sa elevator! " Tangina naman! tumayo ka dyan masyado pang maaga para ako'y iyong kantahan! " " Ang kalat mo talagang hayop ka! Mauna na kami. " " Justine, sa counter ka na magbayad. " Nagsimulang humakbang oalayo ang mga kaibigan nito ngunit agad ding napatigil ng tawagin niya ang mga ito. " Hoy! Saan kayo pupunta? Wag nyo ko iwan hoy!. Tangina kayo parang di mga tropa." Inalalayan nito ang babaeng tumayo ngunit nagmatigas ito" Utang na loob naman, tumayo ka na dyan. Hoy! Adrianne! Jeric! Nathan! Pare! Justine! " " Sino ka nga pala?" Saad nung si Nathan " Pare, kilala nyo yun? " Saad naman ni Justine. " Hindi! " saad naman nung kamukha ni Chris Hemsworth " Kevin tol-" Nanghingi ito ng tulong sa isa pa " Sorry I don't talk to strangers! " Natawa ako sa saad ni Kevin. " Pare naman! " "Sige na Kev, kawawa naman yung gago! " Napabuntong hininga si Kevin, mariin na tinitigan si Juan Miguel, kay laki ng ngisi ng huli. Lumapit ito sa babae, umupo si Kevin upang magpantay ang mukha nilang dalawa. " Hey... " Lumingon ito " What's your name again? " "Katty... " " Hi! I'm Kevin, please stop crying... you're just wasting your tears to such an asshole! " Natawa ulit ako sa sinabi ni Kevin mukhang sa lahat ito yung bet ko. " Edi wow! " Bulong naman ni Juan Miguel. Tiningala naman sya ni Kevin, sinamaan ng tingin, pabirong ziniper nito ang bibig. Muli ay binalingan nito ang babae. " You know, you're beautifull.. you're gorgeous... Never stoop down to his level, you deserve someone much beter. Yung handa kang mahalin, panindigan at ipaglaban... " Unti-unti na nga nitong napatahan ang babae, " Come here, stand up... " May binulong si Kevin sa tenga ng babae, ngumiti yung babae habang tumatango. Inalalayan nya tong makatayo. Binitiwan nito ang babae, hinarap naman nito si Juan Miguel. " You're guapo, sobra... " Panimula nung babae, mayabang na ngumisi naman itong si Juan Miguel. " Hot! Magaling sa kama! pero wala kang bayag! This is for you being an asshole! " Biglang lumipad ang palad nito sa kaliwang pisnge ni Juan Miguel. " Ouuuuch! " sapo nito ang sariling pisnge. " This is for fooling me! " lumipad naman ang kabilang kamay nito sa kanang pisnge. Bago nagmartsa ang babae palabas ng restaurant! " Aaaaray! Ouuuch! Saaakit! Tangina mo pre! " Kanina pa nagsiuwian yung mga lalaki ngunit natatawa, napapailing at naiinis pa rin ako dun sa Juan Miguel na yun. Maya-maya dumating na yung hinihintay. Nagsimula na kong i demo yung mga products na inclusion ng worth seven thousand peses na products for membership fee. Kay laki ng ngiti ko nang maengganyo ko itong magpamember ng networking. Gabi na nang maisipan kung umuwi sa bahay namin. I'm leaving with my parents with my two years old baby brother. I was driving with my three yearsold yellow Kia Picanto, napapaheadbang pa ko habang sinasabayan kong kantahin ang mga kanta ni Avril Lavigne sa loob ng kotse ko. " So much more my happy ending! Ah uh! Ah uh! aaaaaaaah! " Bigla akong napatigil sa pagkanta at napatili sabay preno ng biglang tumawid yung matanda sa daan. Sa gulat nito ay natumba ito sa kalsada. Mabilis na tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang kotse ko upang daluhan ang matanda. Mabuti nalang at talagang di ko ito natamaan. " Lola okay lang po kayo? " Inalalayan ko itong makatayo, may gasgas ang binti at tuhod nito. " Lola, dalhin ko na po kayo sa hospital ha? " Inalalayan ko sya palapit ng kotse ko, binagbuksan ng pintuan at dahan-dahang pinaupo sa shotgun seat. Ilang minuto lamang ay narating na namin ang hospital. Sinakay ng wheelchair si Lola papasok ng emergency room, agad naman itong nilagyan ng paunang lunas ng mga nurse. May tumingin din dito na doctor. Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ng doctor na okay naman daw si Lola pero ang problema ay may alzeimer pala ito. Nang umalis ang doctor ay sinubukan kong kausapin si Lola at baka may natandaan ito kahit kaunti at nang matawagan at maipagalam sa mga kamag-anak nito. " Rosario.. Ikaw na ba yan anak ko... " " Po? Addison po pangalan ko lola... ako po yung muntik ng makabangga po sa inyo... " " Kay tagal kitang hinintay anak ko... " Lagot na! " Di na ako tututol sa pagmamahalan ninyo ng anak kong si Juan Miguel..." Tangina! Kapangalan pa nung lalaking bastos, babaero at walang modo! " Lola, hindi po... Addison po pangalan ko.. Addison Eunice po lola... Di po ako yung sinasabi nyong si Rosario... " " Hinanap kita, nagbabakasakaling makita kita.. at heto ka na nga Rosario ko... " Patay na! umiyak na talaga si Lola. " Lola! " Napalingon ako sa lalaking hinihingal na kakarating lang. Anak ng! Yung lalaking bastos nga yung sinasabi nitong Juan Miguel! " Oh God! Lola ko... ba't mo tinakasan ulit yung taga bantay mo... mabuti na lamang at nakita kita sa mga CCTV cameras... " " Juan Miguel... Anak ko... " Hinaplus ni Lola yung pisnge ng bagong dating na lalaki. " Lola, apo nyo po ako Juan Miguel the second po... si Daddy nasa US na nga diba po? " " Anak ko, nakita ko na ang mahal mo... ang mahal mong si Rosario... " Nanlaki ang mga mata ko ng tinignan ako ni lola. Napatingin rin sa akin yung lalaki. Ang samang makatingin ha! Nakakunot pa ang noo nito. Tinaasan ko sya ng kilay, akala mo kaw lang marunong magtaray ha! Nagbawi ito ng tingin at muling tiningnan si Lola. " Lola, maganda po si mama-" " Excuse me! " Umusok agad ang ilong ko sa kabastusan ng lalaking kaharap! Aba'y! " Oo apo ko ang ganda nya... " " Nino po lola? " Kay bilis na ng takbo ng puso ko, hinihingal na ko dahil sa nararamdamang inis ng bastos na lalaki. Dahan-dahan akong nilingon ni Lola at nginitian. Ngumiti ako pabalik kahit napipilitan. " Si Rosario nga apo ko... Ang ganda nya diba? " " Sa susunod lola ugaliin po nating magsuot ng salamin po ha-- Aray naman! " Di ko na napigilan ang sarili at nabatukan ko na talaga yung lalaki sabay walk out! " Aaaaaah kakainis!!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD