Nagising si Althea dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang tiyan. Nang imulat ang mga mata ay laking gulat niya ng makita si Drew na nakaharap at nakayakap sa kanya habang mahimbing na natutulog. Nanlaki pa ang kanyang mata ng mga sandaling iyon habang pilit na kinokolekta ang memorya ng nagdaang gabi. Napakagat labi pa siya ng maalalang pinigilan niyang umalis ang binata. Unti unti siyang kumilos upang tumayo mula sa pagkakahiga. Ngunit mahigpit siyang niyakap ng binata! Agad naman siyang napalingon dito at nakitang gising na ito. "Good morning babe" aniya na kumindat pa. Hindi naman siya makakilos dahil sa pwersa ng binata. Lalo na at hanggang ngayon ay hinang hina pa din siya. Naalala niya kagabi ay sobrang sama ng pakiramdam niya at bigla nalang siyang nawalan ng mal

