Ilang araw na din Ang lumipas simula ng nilibing si Jared. Nakauwi na din ng pilipinas Ang mom at dad ni Althea. Bumalik na din siya sa nakagawiang Buhay niya araw araw. Pumapasok siya sa trabaho niya ngunit di katulad noon na si Jared Ang kapalitan niya mag alaga Kay Andrea. Ngayon ay si Ivy Ang katuwang niya. Sa Ngayon Kasi ay nagtatrabaho ito sa Isang hotel bilang manager. At simula ng mamatay si Jared ay pinilit niya itong umalis na sa apartment na tinitirhan at sa halip ay Doon na sa Kanila manirahan kasama ni Andrea. Tahimik niyang minamaneho Ang sasakyan Hanggang makarating sa condo. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa araw na ito. Nagmamadali na siyang pumanhik sa 11th floor kung Saan naroon Ang unit nila. Ilang beses Muna siyang ng doorbell bago pa man buksan ni Ivy An

