Mahimbing Ang tulog ni Jared at Andrea ng pumasok siya sa kwarto ng binata. Nag lambing nanaman Ang anak niya sa dada nito. Natutuwa siya tuwing nakikita Ang dalawa . Para talaga silang tunay na mag ama. Magka yakap pa Ang dalawa sa higaan ng binata. Ilang minuto niya ding pinagmamasdan Ang mga ito ng magising si Jared. Agad Naman siyang Nakita ng binata. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong nito. Inayos nito Ang pagkakahiga ng Bata. "Ngayon Ngayon lang din" nakangiti niyang sagot. " mukang na miss ka ng anak ko ahh " Sabi pa niya. "Kaya nga eh . Nangungulit sakin kanina" sagot Naman nito. Nilapitan Naman niya Ang binata at hinawakan sa kamay. "Kumusta Ang pakiramdam mo?" tanong niya. "Okey lang Ako. Ikaw dapat Ang tanungin ko ng ganyan " wika ng binata. seryoso itong nakatitig sak

