NGayon Ang pinakahihintay na araw nila Lester at Lei.
Lahat ng taong dumalo sa kasalan ay masayang naghihintay sa bride. Kulay beige Ang motif ng kasal. Lahat ng abay ay naka suot ng beige na gown. Samantalang Ang mga lalaking abay ay naka suot ng barong.
Tanging Ang groom Ang naka tuxedo ng araw na iyon.
Halos maiyak Naman Ang mommy at daddy nila Lester at Althea . Maging Ang mga magulang ni Lei ay umiiyak sa tuwa.
Napaka Ganda Rin ni altheA ng araw na iyon bilang Isang maid of honor. Napaka simple ng tabas ng kanyang damit ngunit binigyan niya iyon ng Buhay. lutang na lutang Ang ka sexyhan niya sa kasuotan. Samantalang maayos Ang pagkaka Lagay ng make up nito. Ang labi nito na binagayan ng peach lipstick . Maging Ang blush on niya ay peach. Naka lugay Ang kinulot niyang buhok.
Walang tigil Ang pagtitig ni Drew sakanya sa di kalayuan. katulad ng iba ay napaka kisig nito sa suot na barong Tagalog. Maging si Jared ay Hindi nagpahuli sa pormahan.
Hindi mapigilan ni Drew Ang mainis sapagkat Hindi siya Ang katabi ng dalaga.
Ilang sandali pa ay dumating na Ang pinakahihintay ng lahat. Ang bride!
Suot Ang puting puting gown nito. Hindi Rin mapigilan Ang pagiyak ng groom . Napaka emotional nilang lahat sa araw na ito.
Masaya din si Althea para sa kapatid. Ilang buwan Nalang din ay magiging ama na ito at natutuwa siya dahil alam niyang magiging maayos Ang pamilya nito. Hindi tulad niya na Hanggang Ngayon ay walang konkretong desisyon o Plano kung ano dapat Ang Gawin.
Pasimple siyang sumulyap sa Gawi ni Drew. Hindi Naman niya inaasahang mag Tama Ang kanilang mga mata. Naka tingin din Pala ito sakanya. Agad siyang nag bawi ng tingin dahil Hindi niya matagalan Ang mga titig nito.
Tila napansin Naman ni Jared Ang pagka balisa niya kaya hinawakan siya nito sa kamay.
Naging maayos Ang takbo ng kasalan.
Halatang napakasaya ng groom at bride. Kitang kita sa mga mata ng mga ito Ang lubos na galak. Idinaos Ang reception sa Isang five star hotel . Maraming masasarap na pagkain Ang inihain sa reception. Sayawan at inuman Hanggang sa matapos ito at Nauna ng umalis Ang mga Bagong kasal upang tumuloy sa kanilang honey moon.
Nauna na ring umuwe Ang mga magulang ni Althea samantalang siya ay inihabilin sa binatang si Jared .
Hindi niya na masyadong napansin pa si Drew pagkatapos ng kasalan. Hindi na kasi ito nakisali sa mesa nila.
"Love? May problema ka ba?" naitanong ni Jared habang naglalakad Sila papuntang parking lot ng hotel. May pag aalala sa mga mata nito habang nakatunghay sa kanya.
"Ha?" Hindi Naman malaman ni Althea Ang isasagot dito.
Saglit siyang natigilan, marahil ay ito na Ang tamang Oras upang umamin sa binata.
"Jared kasi-" naputol Ang dapat niyang sasabihin dahil nag ring Ang phone niya. Saglit niyang tiningnan kung sino Ang tumatawag ngunit un registered number ito.
Kunot noo niyang pinindot Ang answer button.
Lumayo siya ng konti sa binata.
"Hello?"
"Hello Althea?" walang sigla Ang boses ng babaeng nasa kabilang linya.
"S-sino to?" nagtataka niyang tanong.
"this is Clarisse. ." biglang nagbago Ang timpla ng muka ni Althea ng marinig Ang pangalan nito.
"C-Clarisse?" ulit niya sa pangalan nito.
"Can we meet? Tomorrow ,I need to say something. Importante lang" wika nito.
"I'll text you kung saan Tayo magkita please be there"
pagka wika ay binaba na nito Ang telepono.
Hindi malaman ni Althea Ang naraRamdaman. pakiramdam niya ay biglang Nan lambot Ang kanyang mga tuhod. Alam niyang tungkol Kay Drew Ang pag uusapan nila.
Lumapit si Jared ng mapansing balisa siya.
"Love?"
Napatingin si Althea sa binata. Bigla Nalang niya ito niyakap dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman.
"Love, gusto ko na umuwe. Pagod na Ako" malumanay niyang wika.
Tumango Naman Ang binata at inalalayan siya na maka sakay sa kotse.
Hanggang sa makauwe ay Hindi nawala sa isip ni Althea Ang tawag ni Clarisse. Aawayin ba siya nito bukas? Ipapahiya? Hindi niya alam kung ano Ang kahihinatnan ng pagkikita nila. Dapat ba siyang sumipot Doon?
Tinignan Muna ni Althea Ang sarili sa harapan ng salamin. Unti unti niyang hinubad Ang suot na long gown. Nagbabad siya maligamgam na tubig sa loob ng bath tub niya. Gusto niyang ma relax . Iniisip niya kung masama ba siyang tao. Sinira niya Ang relasyon ni Drew at Clarisse ngunit Hindi lang iyon . . maging Ang samahan nila ni Jared ay nanganganib na masira dahil nagpa tangay siya sa kahinaan ng kanyang loob.
Hindi niya Naman ginusto Ang lahat ng ito. Sadya lang mahirap pigilan Ang puso. Kahit anong sigaw ng isipan kung puso Ang mag dikta paniguradong mahihirapan Kang suwayin iyon.
Naalala niya ang reaksyon ni Drew nang Makita Sila ni Jared . Halatang asar ito na Hindi mo malaman. Hindi na nga nito nagawang magpakita sa Kanila noong nasa reception na sila.
Mahal niya Ang binata. Simula pa man noon ay alam niyang mahal niya ito. Hindi lang Basta paghanga Ang kanyang naramdaman Kay Drew. Ngunit ng lumayo siya ay nabaling Kay Jared Ang kanyang atensyon. Marahil dahil Wala si Drew kung kaya't inaalala niyang mahal niya si Jared , ngunit Ang totoo ay mahal niya lang Pala ito bilang Isang matalik na kaibigan. Ngunit gayun paman ay ayaw niyang saktan Ang damdamin nito.
Hindi deserve ng binata Ang masaktan. Ngunit Hindi Rin nito deserve Ang paasahin sa pag ibig na matagal ng nakalaan sa iba. Napaka unfair noon para sa kanya.
Muling sumagi sa kanyang isipan Ang magiging pagkikita nila ni Clarisse bukas ng Umaga.
Naihilig niya Ang kanyang leeg. Bahala na, Hindi niya alam Ang maaaring mangyari pero makikipag kita siya dito. Kung aawayin man siya ng dalaga ay alam niyang deserve niya iyon. Sapagkat siya Ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.
Masakit Mang isipin ngunit siya Ang lumalabas na third party o kontrabida sa kanilang relasyon.
Ngunit Anong magagawa niya?
Tao lang siya na nag ma mahal at nag kakamali para sa pagmamahal .
Mali man ngunit nais niyang sumugal, nais niyang subukan. Bahala na.