ALthea
"Kuya Drew!!"
nagmamadali Akong bumaba sa hagdan ng marinig Ang boses ng pinakamatalik na kaibigan ng Akong nakatatandang Kapatid.
Drew Del Valle, since kindergarten ay naging magkaibigan na sila ng Aking kuya na si Lester. At dahil NASA iisang village lang kami ng Sta. Monica Village ay naging sobrang close Sila. Nang panahon na yon ay Wala pa Ako sa Mundong to kung kaya't sabik sa kapatid Ang Aking kuya. At dahil Doon ay naging magkapatid Ang turingan nila sa isa't Isa. Lalo at iisang anak lang ng mga Del Valle si Drew.
Napakatamis ng ganting ngiti ng binata sa akin. Dahilan upang Lalo Akong kiligin. Agad Akong napayakap sa binata .
"Akala ko NASA maynila ka? Sabi ng kuya Lester"
"Yes, I was actually there. In fact I just arrived this afternoon and dumiretso na Ako dito after sa Bahay " nakangiting tugon paring nito . "Hmp." napaismid Ako ng maalalang Hindi man lang ito nagpaalam sa akin ng umalis. "Wala ka man lang paalam sa akin ng umalis ka kuya." nagtatampong wika ko .
"ALthea Cassandra wag ka Muna mag inarte at pagod Ang kuya Drew mo" Ani mommy na kalalabas lang galing sa kusina. "Dito ka na maghapunan Drew.. at mukang namiss ka ng mga anak ko " dugtong pa nito
"Yes Po tita, actually namiss ko din Po luto nyo. Alam nyo Naman Po si mommy walang hilig sa pagluluto " nangingiting wika ng binata.
Nagsasaya Ang loob ko kaya agad ko na syang niyaya sa hapagkainan.
"Ano pa inantay nyo kuya Lester at kuya Drew Let's eat na Po " and of course pinili ko Yung upuan sa tabi ng binata.
Nagtampo talaga Ako ng Malaman Kong umalis sya patungong maynila para mag take ng entrance exam sa Isang kilalang unibersidad sa kolehiyo. Nalulungkot Ako tuwing maiisip ko na mapapalayo na sya sa akin. Pero di paring ak nawawalan ng pagasa baka sakaling mag bago pa Ang isip ni Drew Lalo at Wala Naman balak magaral Doon si kuya Lester. Alam ko na Hindi nya kaya malayo sa kuya ko ng matagal .
"Bakit Naman Po Kasi sa dinami dami ng university eh sa manila nyo pa napili mag enroll kuya"
"At bakit Naman Kasi Ang kulit mo Thea" sabad ng kuya Lester nya
napaismid tuloy Ako
"Nagtataka lang Ako kuya Kasi andito ka Naman" sagot ko.
"Yun Kasi Ang gusto ng mommy ko Althea."maikli at tipid na sagot ni Drew.
Di na ko umimik pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Pakiramdam ko ay nawala Ang appetite ko. Nalulungkot Ako sa isiping di ko na sya Makikita sa mga susunod na araw.
After ng dinner ay niyaya ko si Drew sa pool area upang makipagkwentuhan. Sanay na Ang binata sa akin palagi ko syang kinukulit kapag NASA Bahay sya. Noon pa man ay natutuwa na sya sa akin pero Hanggang kapatid Ang turing nya sa akin . Bukambibig ko na noon pa man saknya na crush ko sya at lagi nyang sagot ay mawawala din Ang nraramdaman ko. Hindi ko alam kung binabalewala nya lang Ang sinasabi ko dahil kapatid Ako ng best friend nya o dahil napakabata ko pa para sa kanya. 11 years old pa lang Ako samantalang sya ay malaut ng mag 18.
"Magpakabait ka dito Althea pag NASA maynila na Ako . Wag mo pababayaan si kuya mo " nakangiti nyang sambit. Inismiran ko sya , tanda ng pagtatampo ko saknya.
"Wag ka na magtampo Sakin." aniya na ginulo pa Ang buhok ko. "Dadalaw Naman Ako twing free Ako" wika nya sabay ngiti.
Sino ba Naman Ang makatitiis sa Isang Drew Del Valle? Napakatamis ng ngiti sa mapupula at manipis nitong labi. Idagdag pa Ang mga dimples nito at pantay na mga ipin,bilugang mata na may mapilantik na pilikmata at binagayan pa ng makakapal at itim na kilay. TILA Isa syang Arabian pero Yung mistisong version dahil sa kaputian nito.
"Basta sure Po kayo dadalaw kayo" nagsusumamo Kong wika.
"I promise" sagot nya . Tuluyan na Akong napangiti at yumakap sa kaibigan ni kuya.
"Wag ka Po mghahanap ng girlfriend don kuya ha " "Intayin nyo Po Ako, lalaki din Po Ako kagaya nyo ni kuya Lester "
Napangiti sya sa tinuran Kong yon.
"ALthea... Tulad ni kuya Lester mo , Ikaw Ang ngiisang baby girl ko ok.Wala na makakapalit Sayo . "
Although Hindi ko nagustuhan Ang ibig nyang sabihin don ay natuwa parin aq sa winika nyang iyon.
"Drew! Pare , samahan mo na Ako kina Cyril "
agaw atensyon ni kuya sa kaibigan. SI Cyril Ang Bagong nililigawan ni kuya Lester . Hindi ko sure kung seryoso ba sya dito pero alam ko naging madalas Ang pagdalaw nya dito .
"ALthea, next time mo na kulitin si kuya Drew mo. At need mo na din mtulog ng maaga may pasok ka pa bukas" nakatinging wika ni kuya Sakin. "Umakyat ka na sa kwarto mo at naihanda na ni Yaya narsing Ang pamalit mo." dugtong pa nito.
Naiinis man ay Wala Akong nagawa kundi sundin Ang sinabi ng Aking kuya. Nagpaalam na Ako sa dalawa at pumasok na sa loob ng Bahay.
Masyado pa Akong Bata para sabihing mahal ko si Drew pero Yun Ang pakiramdam ko. At alam ko Hindi nya Ako mapapansin Ngayon ngunit darating Ang araw Makikita nya din Ako bilang Isang babae at Hindi bilang Isa g Bata.