Tulala parin si Drew at nakatitig sa kawalan. Sinisisi niya Ang kanyang sarili dahil sa mga nangyari. Hindi nila maawat Ang pagwawala ni Clarisse ng mabalitaan nitong Wala na Ang kanilang baby. Awang awa siya sa dalaga. Tinurukan na lamang ito ng pampa kalma ng doktor dahil Hindi ito mapigilan. Maging siya ay ramdam Ang sakit at panghihinayang . Hindi manlang niya nasilayan Ang muka ng kanyang magiging anak. Naihilamos niya Ang mga palad sa kanyang muka. Bigla niyang naalala Ang ginawang pag Wawala ni Jared . Nagulat siya sa kanyang nalaman . Nag dadalang tao Rin Pala si Althea at siya Ang ama. Gustong gusto na niya itong puntahan at sabihing mahal na mahal niya ito at Ang magiging baby nila. Ngunit pagka tapos ng nangyare sa baby nila ni Clarisse, pakiramdam niya ay Hindi niya deser

