Tuwang tuwa si althea at jared habang pinagmamasdan nila Ang kanyang tiyan. Panay Kasi Ang pag galaw ni baby sa loob, Naroon at biglang bumubukol Ang kanyang tiyan sa kalikutan nito. Hindi malaman ni Althea kung Anong klaseng kaligayahan Ang naraRamdaman niya . Gustong gusto na niyang makita ang baby niya. Sobrang excited na siya malaman Ang gender nito. Natigilan Ang dalawa sa paglalaro sa kanyang tiyan ng tumunog Ang cellphone ni altheA. "Hello mom?" masayang bati niya sa Ina. Simula ng umalis siya ay Panay na Ang pangungumusta nito Lalo na ng malaman na nag dadalantao siya. "kumusta anak? Yung apo ko kumusta?" tanong ng mommy niya. "eto Po napakalikot sa loob ng tiyan ko" sagot niya. " basta Ang bilin ko Sayo wag masyado papaka stress at wag sumobra sa kain " bilin ng Ina.

