Nagising si Georgia na may kumikiliti sa tainga niya. Nang magising ang diwa ay napagtanto niyang hindi lang ang labi ni Hector ang nagpagising sa kanya. "Hmmm..." "Wake up, sleepyhead..." "Anong oras na ba..." Bumalik siya sa pagpikit hindi para matulog ulit kung hindi namnamin ang kamay nitong minamasahe ang dibdib niya. "Four a.m..." Lumipas na naman pala ang isang araw. Bukas ay susunduin na siya ni Justine. Hindi man niya gustong harapin ang katotohanan ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang iwanan si Hector para sa ikatatahimik ng buhay niya. "Aha... Kaya mo 'ko pinatabi sa 'yo para gisingin ng ganitong oras." Tumihaya siya kaya't tuluyang inangkin ni Hector ang mga labi niya. Manipis na V neck t-shirt ang suot niya at wala siyang suot sa pang-itaas bukod doon. A

