Chapter 2

1436 Words
"Saan ba 'yung Sapphire Villa? Paano 'ko pupunta doon?" tanong niya kay Vida nang lumabas siya sa stage. Dala niya ang makeup kita na bigay nito. Ito ang nag-aasikaso sa mga babaeng katulad niya. Ang ibang babaeng kasabayan niya sa stage kanina ay nai-take out na raw. Pero siya ay alas dose pa pinapupunta ng lalaking bumili sa kanya. "Ihahatid ka ng staff natin hanggang sa pinto ng villa. Kakatok ka lang kapag nakaalis na 'yung naghatid sa 'yo ha?" Pinisil niya ang sariling palad. Bumabalik sa balintataw niya ang itsura ng lalaki na lumapit sa kanya kanina. Matangkad ito at alon-alon ang buhok. Kung may lahi itong Amerikano ay hindi niya tiyak. Dark brown kasi ang kulay ng buhok nito bagama't moreno naman ang kulay ng balat. At sa kabila ng may edad na ito ay matipuno pa rin ang katawan. Kung pisikal na anyo ang pag-uusapan ay hindi niya ito kinakatakutan. Gayunman ay hindi pa rin matitiyak na hindi siya mapapahamak. Maraming rapist at sadistang lalaki na hindi naman makikita sa panlabas na kaanyuan. Kahit nga ang ama-amaham niya ay mabait namang tingnan. Pero heto at ibinenta siya para lang kumita ng pera. At kung hindi niya inalis ang mga kapatid sa poder nito ay ganito ang kahahantungan ng dalawa. "Natatakot ka?" "O-oo. Hindi naman ganitong trabaho ang gusto ko... Sana nga naging waitress na lang ako..." "Pagkatapos ng gabing ito, puwede ka nang mamili kung waitress na lang ang papasukin mo o sasabak ka pa rin sa pagti-table ng customer. Sinabi naman sa inyo 'yun, di ba?" "Bakit nga ba?" "E kasi, alam naman ni boss na hindi lahat ng babae gusto ng ganyang buhay. Yung iba, kumakapit lang talaga sa patalim. Pero 'yung iba naman, nagpapakalunod na sa pera. Sayang nga naman, malaking magbayad ang mga customer dito. Kaya nasa sa 'yo kung ano ang gusto mo. Bata ka pa, puwede ka pang mag-aral. Ang laki pa naman ng take home pay mo." Dalawang milyon mahigit. Malaking halaga na nga iyon para sa tulad niyang ni hindi pa nakakahawak kahit singkwenta mil sa buong buhay niya. "Maghapunan ka na lang muna habang naghihintay ka ng alas dose. Maligo ka ulit ay magpabango. Dapat walang complain ang customer mo baka maunsyami pa ang bayad sa 'yo." "Kilala mo si Mr. Sanrio?" "Hindi. Ngayon ko lang 'yan nakita dito. Pero 'yung anak nagpupunta na dito at kilala na namin. Mabait naman, kaya mabait naman siguro 'yang tatay niya." Kahit paano ay napanatag siya. Baka mahilig lang talaga sa bata ang isang iyon kaya umabot pa dito para bumili ng babaeng bayaran. Naglakad lakad siya sa hotel ng Isola dell'amore. May malaking lobby doon at malalambot na sofa. Paglabas lang ay naroon ang malaking pool na may jacuzzi. Kapag nilakad pa niya ang dulo niyon ay mararating niya na ang iba't ibang villa na inuupahan ng mayayamang guests para sa masarap na island adventure. Umupo siya at isinandal ang katawan sa malambot na silya. Tila paraiso ang lugar na ito sa mga negosyanteng tulad ni Mr. Sanrio. Masasarap ang pagkain. Napakaganda ng tanawin. May mga babae pang tagahatid ng aliw. Pero sa tulad niyang labag sa loob ang pagdating ito, isa itong sintensya. Para siyang naghihintay ng hatol kung ano ang magiging kapalaran niya. Bumalik siya sa silid nang malapit na ang alas dose. Naligo siya at nagkuskos ulit ng katawan. Habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin ay umaahon ang takot at pangamba sa dibdib niya. Naghanap siya ng maisusuot sa closet. Puro hapit na damit ang naroon, o kung hindi man ay halos kita na ang itaas ng hita niya. Kahit anong piliin niya ay magiging mapang-akit siya. Totoo namang maganda siya at maganda ang hubog ng katawan. Ngayon ay mas pinatunayan pa iyon ng pagbabayad ni Mr. Sanrio ng ganoon kalaki. Walong milyong piso din pala ang katapat niya. Isang silky beige night dress ang una niyang isinukat. May foam na 'yun sa bandang dibdib para hindi niya na kailangan pang magsuot ng panloob. Hanggang hita lang niya ang haba niyon na may slit pa sa kanan na halos umabot na sa baywang. Hapit iyon sa katawan niya. Kailangan niyang maging kaakit-akit kay Mr. Sanrio nang masulit naman nito ang walong milyong piso na pinakawalan. Naglagay siya ng makapal na makeup. Hindi na rin siya naglagay ng stockings dahil makinis naman ang kutis niya. Itinali niya pataas ang buhok nang may ilang hiblang nakalugay. May pabango rin doon kaya nag-spray siya sa katawan. Bago lumabas sa silid ay isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Naghihintay na ang staff ng isla sa paglabas niya. Ilan sa mga empleyado doon ay napalingon sa kabuuan niya. Gusto man niyang manliit ay kailangan niyang patibayin ang sikmura sa ngayon. Tulad ng sinabi ni Vida sa kanya kanina, isipin niya na lang na kahit mga artista o modelo ay dumadaan sa ganitong sitwasyon para iangat sa sarili ang pedestal. Pagkatapos ng lahat ng ito ay aalis siya sa isla na parang walang nangyari. Hindi siya makikilala ng ibang tao dahil nabibilang lang sa daliri ang nandito sa isla. Ilang villa din ang nilagpasan nila bago sila tumapat sa sinabi ni Mr. Sanrio na Sapphire Villa. Eksaktong alas dose na iyon. Iniwan na siya ng staff nang humakbang siya palapit sa pinto. May pindutan ng doorbell doon na ilang segundo muna niyang tinitigan. Nang nagkaroon na siya ng lakad ng loob ay bumukas na ang pinto at bumungad ang lalaking ilang beses ding bumalik sa balintataw niya. The man was a hunk, even in his forties. Kung mayroon mang pakunswelo sa kanya bukod sa perang ibinayad nito, iyon ay malakas din ang s*x appeal at ang baritono nitong boses na tila isa itong DJ sa radyo. "I told you to wear your confidence, Miss Chades." Hinanap niya ang mukha ng may baritonong boses na iyon. Madilim ang buong silid. Nang kumilos ito palapit sa hamba ng pinto ay saka niya nakita ang kabuuan nito. Nakayapak na ang lalaki at hindi na pantalon ang suot nito. Wala na itong pang-itaas na suot. Naamoy din niya ang panlalaki nitong pabango na tiyak na hindi biro ang halaga. "G-good evening..." Sumindi ang dim light sa buong silid at bumungad sa kanya ang kabuuan ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang mayroon dito para magkaroon siya ng paghanga sa pisikal nitong anyo. The man was undeniably handsome. Pakiramdam pa nga niya ay dahil sa edad nito kaya malakas ang dating kahit sa paraan pa lang ng pagtitig nito sa kanya. Ni hindi niya maalala kung kailan siya nakaramdam ng paghanga sa isang lalaki. Ngayon lang niya nabibigyan ng pansin ang magandang katangian na puwede niyang hangaan - tulad ng baritonong boses at matipunong pangangatawan. "You are beautiful... But you are not confident enough. Why are you here, Miss Chades?" tanong nito habang nakatalikod sa kanya. May isinasalin itong alak sa kopita. May kalakihan din ang villa dahil may sariling banyo doon at kusina. Sa kanang bahagi naman ay salamin at veranda na kaharap ang malinaw na karagatan. "Y-you paid eight m-million..." Humarap ito sa kanya nang hawak ang baso na may lamang alak. Gumagalaw ang Adam's apple nito sa bawat paglunok. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito kaya't ibinaba niya ang tingin. Na dumako naman sa mabalahibo nitong dibdib. Kung kasama niya ang Papa niya ngayon ay baka kasing-edad lang nito ang lalaking kaharap niya ngayon. "I paid eight million expecting you will fill my bed, not to stare at me like a stiff and stupid virgin." Bagama't seryoso ang boses nito ay hindi naman galit. "I am not stupid. But I am a virgin," lakas loob niyang sagot. "Hindi mo ba alam?" "How old are you?" "Twenty." "Boyfriend?" Muli siyang umiling. "Never had one?" Muli siyang umiling. "Tell me what you know about s*x, Miss Chades?" "W-wala..." Sandali itong tumitig sa kanya na tila inaarok kung nagsasabi siya ng totoo. Pakiramdam tuloy niya'y hinuhubaran na siya nito ng tingin. Ilang beses siyang napalunok at ganoon din ang kaharap. "Kaya mo naman bang maghubad sa harap ko o ako pa ang inaasahan mong maghuhubad sa 'yo?" Hindi siya nakasagot. Lumapit ito na halos idikit ang katawan sa kanya. Para siyang ipinako sa kinatatayuan. Dumapo ang mainit nitong kamay sa leeg niya na bahagya siyang napaigtad. "I am twice your age, Miss Chades... I don't find young women attractive... But..." "B-but...?" "Now I want to tear off your clothes and bury myself inside you... Do you know what I mean?" Marahan siyang tumango. Hindi naman sinayang ni Hector ang sandaling iyon dahil inangkin nitong mapusok ang mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD