"Oh ano pang ginagawa mo riyan?"
Pagod akong lumingon kay Xander. Nakakunot na naman ang noo nito. Palagi na lang.
"Hindi pa ba tapos ang leksyon ko?" tanong ko. Ilang araw na namin itong ginagawa at sumasakit na ang ulo ko.
Huminga naman ito ng malalim at lumapit sa akin. "This will be the last lesson you have to learn. But first, kailangan nating bilhan ka ng mga damit. You wore the same outfit over and over again."
Napatingin naman ako sa damit ko. Ipinahiram iyon sa akin ni Centia dahil isang damit lang talaga ang dala ko.
"Let's go."
Tumayo na lang ako at sumunod sa kanya. Nang lumabas kami ay bumungad sa amin ang akala ko noong hayop ay sasakyan pala ang tawag at ang sabi ni Xander ay pinatatakbo ito ng makina. Ang galing talaga!
Bumiyahe kami ng ilang minuto hanggang sa hininto ni June ang sasakyan.
Pumasok kami sa sobrang laking gusali. Mall daw ang tawag doon. Ang ganda!
"Good morning, Mr. Sebastian."
Nagulat ako dahil may mga babaeng sabay-sabay na yumuko sa amin. "Pumili kana ng kahit anong gusto mo," sabi nito sa akin at pinasamahan ako kay June. Ni hindi nya manlang binati pabalik ang mga babae kaya ako na lang ang ngumiti at yumuko rin sa kanila. Ewan ko ba kung bakit nagulat sila.
"Hello po! Nice to meet you."
"H-hello.. Ma'am. Welcome po."
Mababait naman pala. Pumasok na kami ng tuluyan at halos mapanganga ako sa dami ng mga damit sa loob. Ang gaganda ng mga ito at ang iba ay nasa loob pa ng salamin.
"May napili na ho ba kayo, Ma'am?" tanong ng babaeng nakasunod sa akin. Nilapitan ko naman ang asul na damit. Kinuha ko ito at pinakita kay June at sa babae.
"Maganda ba?" tanong ko.
"Ang ganda, Ma'am Selena. Bagay sa inyo." Si June ang sumagot.
"Bagay ho sa inyo, Ma'am." Ngumiti naman ang babae sa akin.
Naging masaya ako dahil talaga namang nagustuhan ko iyon. "Magkano ho ba ito?" tanong ko.
"25 thousand lang po, Ma'am."
"H-ha?" Lumapit ako kay June. "Ano 'yong sinasabi nya?" Bulong ko rito. Ipinaliwanag naman sa akin ni June iyon sa Tagalog kaya halos mabitawan ko ang damit sa gulat.
"Ang mahal naman yata." Ibinalik ko na lang ang damit. "Hanap tayo ng mas mura, June."
"Ma'am Selena, ang gusto ni Sir ay pumili kayo ng gusto nyo at sya na ang bahala sa bayaran."
Umiling ako sa sinabi nya. "Hindi ko pera ang ginagastos, June. Kaya kung ganito ka mahal ang bibilhin ko ay huwag na lang. Pinahirapan ni Xander ang perang nakukuha nya at ayaw ko iyong sayangin sa isang damit lang."
Natigilan ito at hindi na sumagot. Lumabas ako ng tindahan na iyon kahit na pinipilit pa rin ako ni June.
"Where are you going?" takang tanong ni Xander nang makita nya kaming lumabas. "May nakita ako roong mas maganda at nagustuhan ko," sabi ko at nauna nang maglakad. Alam kong sinabi na ni June ang nangyari kanina sa loob habang naglalakad kami at nakasunod sila sa akin.
Ilang sandali pa at nakakita ako ng panibagong tindahan ng mga damit. Simple lang ang mga iyon kaya pumasok ako.
"Magandang araw po, Ma'am. Pumili lang ho kayo lahat po ng mga damit namin ay second hand na po kaya po murang-mura!" Nakangiting ani ng babae. Napangiti naman ako. Napansin kong sumunod sa akin sa loob si Xander at June pero hindi ko sila pinansin.
Pumili ako ng mga damit at ipinakita iyon sa babae.
"Magkano ito?"
"350 lang ho."
Tumingin naman ako kay June at naintindihan nya kaagad ang tinutukoy ko. Nang malaman ko sa Tagalog ang halaga ay pinagpasyahan ko ng bilhin.
"Are you sure?" takang tanong ni Xander. Ngumiti na lang ako at pumili pa ng iba. "Oo naman. Halika nga at tulungan mo akong maghanap." Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang hilahin ko siya sa kamay.
Tinulungan nya nga ako sa pagpili ng damit habang naghihintay si June sa amin. Hanggang sa nakabayad na kami at nakalabas ng Mall ay masaya pa rin ako dahil mas marami akong nabiling damit kesa kung pinili ko ang mahal na damit na iyon.
"Uuwi na ba tayo?"
"No. We're going somewhere."
Hindi nya ipinaliwanag kung saan pero huminto ang sasakyan sa tapat ng sobrang laki na namang gusali.
"This is my company and I need you to learn everything here."
Pumasok kami sa loob at halos magyukuan ang mga tao nang dumaan kami.
"Hello po!"
"Hello!"
"Magandang araw!"
"Kamusta po kayo?"
Lahat ng mga dadaanan namin ay binabati ko para maramdaman nilang napapansin sila at hindi lang dinaraanan.
"Faster!" Sumigaw na si Xander kaya nagmadali na akong sumunod sa kanila.
Pumasok na naman kami sa panibagong napakalaking kwarto.
"Ang ganda..."
"Don't touch anything," ang sabi bigla ni Xander. Hindi naman ako pake-alamera ah. Inilibot ko ang kwarto hanggang sa may nakita akong pabilog na bagay. Inikot ko ito pero masamang tingin ang ipinukol ni Xander sa akin.
Nagkunwari na lang akong hindi ko nakita ang mga tingin nya.
***
Third person's POV
Tanghali na at nasa kalagitnaan ng meeting si Xander kaya naiwan sa office nya si Selena. Naka-upo lang ito ng tahimik sa sofa nang may biglang pumasok na matandang nakatungkod. Nagulat ito dahil nakita nya roon ang dalaga.
"Where is Alexander?" tanong nito. Mabuti na lang at kahit papaano ay naintindihan sya ni Selena.
"May pulong po sila sa kabilang kwarto. Kung gusto nyo po ay hintayin nyo na lang sya rito," Magalang nitong ani.
"And you are?" tanong ng matanda at lumapit kay Selena. Umupo ito sa tabi ng dalaga. "Ako po si Selena. Girlfriend po ako ni Xander," pakilala nya sa sarili na ikinagulat ng matanda. Ito kasi ang Lolo ng binata at hindi nya alam na may girlfriend na ang kanyang apo.
"Girlfriend, huh. Nice to meet you, Hija."
"Nice to meet you too rin po."
Naghintay sila roon sa pagbabalik ni Alexander. Walang magawa ang dalaga kaya kumakanta na lang ito ng traditional na kanta nila sa Isla para malibang ang sarili.
Ikinagulat naman iyon ng matanda at gulat na napatitig kay Selena.
"You're from that...island?"
Napalingon ang dalaga. "Ho? May sinasabi ho pa kayo?" tanong nito dahil hindi nya halos narinig ang sinasabi nito.
"W-wala. May naalala lang ako sa kanta mo. Ang ganda ng boses mo, Hija."
"Naku salamat po."
Paglipas ng oras ay nakalabas natin ng meeting room sina Alexander at June. Nagulat pa ang mga ito ng makita ang Lolo nya na ngayon lang yata nakadalaw sa kompanya. Hindi kasi si Alexander ang paboritong apo ng Lolo nito kaya halos hindi nito makausap ang apo.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ng lolo nito. Lumayo sila sa dalawa.
"What brings you here, Grandpa?"
"Bawal ba?" Medyo sumeryuso ang tono ng matanda. "That's not what I mean. I'm sorry." Yumuko ng kaunti si Alexander.
"Binisita lang kita dahil babalik na ako sa US next week. Gusto ko lang bisitahin itong kompanya ng tatay mo. And it seems like you did a great job this past few years."
Hindi sumagot si Alexander pero pilit itong ngumiti.
"Where did you find that girlfriend of yours?" Biglang pag-iiba nito ng usapan habang nakatingin kay Selena at June na nag-uusap sa sofa.
"Why?"
Seryusong bumalik ang tingin ng matanda kay Alexander.
"Protect her at all cost."
Kumunot ang noo ni Alexander sa sinabi ng kanyang Lolo.
"What do you mean? And why?"
"Malalaman mo rin. Don't let other people discover where she came from because if they do, she'll never have a peaceful life again."
"Grandpa..."
"Don't make the same mistakes that I did, Alexander."
Makahulugan ang mga katagang binitawan ng kanyang Lolo bago ito umalis.