CHAPTER 5

1356 Words
Selena's POV "Miss? Gising na!" Nagising ako bigla nang may sumigaw sa pintuan. Bumukas iyon at pumasok ang babaeng kaagad akong nilapitan. "Miss, anong nangyari sa'yo?" Mabilis nya akong tinulungan na makatayo. "Bakit dito ka sa sahig natulog?" Alalang tanong nya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo. "Hindi kasi ako sanay matulog sa malambot na kama pakiramdam ko nalulunod ako," sabi ko. Kagabi ay sa malamig na sahig lang talaga ako natulog at kumuha lang ng isang unan. Mas gusto at komportable ako doon kesa mahiga sa sobrang lambot na kama na paghiga ko pa lang ay lumulubog na ako. Hindi ako makahinga. Kumunot naman ang noo ng babae pero hindi na lang pinansin ang sinabi ko. Inayos nya ang kama at binalik ang unan doon tsaka ako itinulak nang mahina papunta sa panibagong pintuan. "Miss, kailangan mo ng maligo dahil kanina ka pa pinabababa ni Mr. Sebastian." Binuksan nya ang pintuan at tumambad sa akin ang banyo. May gano'n sa amin pero hindi kasing laki no'n. "Sige na, Miss. Mapapagalitan ako eh," sabi nya pa at tinulak ako paloob. Hindi na ako nagprotesta nang isarado nya ang pintuan. Lumingon na lang ako sa paligid ng banyo. Sobrang laki talaga at may mga bagay na ngayon ko lang nakita. Naghanap ako ng tabo at timba pero wala akong nakita. Paano ako maliligo nito? Lumabas ako ng banyo at naabutan ko doon 'yong babae na may inaayos na damit at ipinatong nya iyon sa kama. Gusto ko syang tawagin pero hindi ko alam ang pangalan nya. "Miss, bakit hindi ka pa naliligo?" Tanong nya nang makita akong nakasilip. "Ano bang pangalan mo?" tanong ko. "Centia, Miss. Sige na Miss maligo ka na tiyak na galit na si Mr. Sebastian sa baba. Kanina ka pa nya hinihintay." Halatang hindi na ito mapakali kaya bumalik ako sa banyo. Paano ba kasi ako maliligo rito? Naglibot ako hanggang sa may makita akong mahabang bagay. Hinila ko iyon at gano'n na lang ang gulat ko nang may tubig na bumuhos sa ulo ko. Nanggaling iyon sa bagay na nasa itaas ng ulo ko. "Ang galing!" Hinila ko iyon ng pabalik-balik dahil nasisisyahan ako sa tubig na lumabas. "Miss? Tapos kana ba?" Nang marinig ko na ang boses ni Centia sa labas ay naligo na ako ng tuluyan. Pagkatapos no'n ay lumabas na kaming dalawa ni Centia. Inihatid nya ako sa harapan ni Xander na naka-upo sa upuan at masama na ang titig sa akin. Xander na lang ang tawag ko rito dahil masyadong mahaba ang pangalan nya. "Hindi mo ba alam kung ilang minuto akong naghintay dito?" tanong nya na halatang galit na. Napalunok si Centia pero ako ay napatitig lang sa kanya. "Hindi," sagot ko. Bigla naman akong siniko ni Centia kaya napatingin ako sa kanya. Nakayuko ito at parang may gustong sabihin. Narinig kong tumayo si Xander kaya lumingon ulit ako sa kanya. "Gusto kong makilala mo si Jerrold. Sya ang magiging tutor mo from now on." Doon ko lang napansin na may kasama pala itong lalakeng medyo may katandaan na. Ngumiti ito sa akin at yumuko pa ng kaunti. "Tutor? Para saan?" tanong ko. "Para mag-aral ng English. Gusto kong matuto ka para hindi mo ako mapahiya sa harapan ng pamilya ko. Now, lahat ng sasabihin ni Jerrold ay gagawin mo. Naintindihan mo ba ako?" Napanguso ako sa sinabi nya. Bakit ba palagi na lang parang galit sya kung magsalita. Wala na akong nagawa at sinunod ang gusto nya. Ayon sa pagkakaintindi ko ay gusto nya akong matuto ng lenggwahe na palagi kong naririnig sa kanya. "Simulan natin sa pagpapakilala ng pangalan mo. Sundin mo lang ang sasabihin ko, ok?" Sabi sa akin ni Jerrold. Tumango na lang ako. "My name is Selena. I am 26 years old. Ikaw naman." Ano raw? "Ma..ma.." Napakamot ako sa ulo dahil nakalimutan ko kaagad ang sinabi nya. "My name..." Pagsasalita nito. "My...name..." Sunod ko sa sinabi nya. "Is Selena." "Izzz Selena." "Is 'yon. Is. Hindi Izz." "Is Selena." "Good. I am 26 years old." Mahirap pala talaga ito. Nakakalito. "Ay...am...twosik--" "Hindi. I am 26." "I am twenty...six." "Years old." "Years old." Napapalakpak naman ito sa tuwa. "Ganyan nga. Now, sabihin mo ng buo iyon. My name is Selena. I am 26 years old." Ngumiti ako. Mahinhin at maluming kasi ang boses nya at parang babae kung magsalita kaya kaagad na naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya. "My... name is...Selena." Nakangiti ito sa akin kaya pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng loob. "I am...26...years old." Pumalakpak ito sa akin habang napangiti. Kahit na si Centia sa nasa tabi ko ay napapalakpak rin. Naging magaan tuloy ang pakiramdam ko. Tumayo sya at naglibot sa bahay kaya sumunod naman ako sa kanya. "Ang tawag dito ay table." Hinawakan nya ang lamesa. "Table," bulong ko naman at pilit na isinisiksik sa utak ko ang mga bagong impormasyon na itinuturo nya sa akin. "Ito naman ay Chair. Kung marami ay Chairs." "Chairs." Tango-tango ko habang nakabuntot sa likuran nya. "Ito naman ay flowers." Bulaklak=flowers. Tumango ako. Marami pa syang sinasabi na kaagad ko namang natatandaan. Mabilis makatanggap at makapasok ng impormasyon ang utak ko kaya hindi ako halos nahirapan sa mga sinasabi nya. "Kung makakita ka naman ng tao ang sabihin mo ay, 'Hello. How are you?" sabi nya. "He..llo..haw ar yo?" Ulit ko sa sinabi nya. "Ang ibigsabihin no'n ay kinakamusta mo sya at masaya kang makita sya, ok?" "Ok!" Sabi ko pa. Napangiti naman ito. Dahan-dahan ko ng nakukuha ang mga sinasabi nya at naintindihan na rin ang mga iyon. "Ang tawag naman kay Centia at sa mga kasama nya ay Maids. Ang ibigsabihin no'n ay katulong sa bahay. Kaya kailangan mo silang tawaging Maids." Umiling ako sa sinabi nya. "Mas gusto ko paring tawagin sila sa pangalan nila para kasing walang respeto kong iyong sinasabi mo ang itawag ko," sabi ko. Natigilan si Jerrold at Centia sa sinabi ko pero hindi na lang sila nagsalita. "Alam mo ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-encounter ako ng isang katulad mo. Hindi ka nga marunong magsalita ng English pero mabuti ka namang tao. Kaya gets ko si Mr. Sebastian eh," komento pa ni Jerrold habang nakatingin kay Xander na may kausap na hindi naman namin nakikita. Nagsasalita kasi ito at nakaharap sa labas. May hawak sya sa tenga nya pero wala namang tao doon. "Sa kanya ba? Ano ang tawag?" Turo ko kay Xander. Napangiti naman ng kakaiba si Jerrold at tumingin pa kay Centia. Bakit pakiramdam ko may kakaiba sa titigan nila? Hinawakan niya ako sa balikat ko habang nakatingin kami kay Xander. Inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. "Pwede mo syang tawaging...Baby," sabi nya habang tudo ang ngiti. "Baby? Ano naman ang ibigsabihin no'n?" Tanong ko. "Ay Centia ano nga ang ibigsabihin no'n?" Makahulugang tanong ni Jerrold kay Centia. "Miss, iyon ang tinatawag sa mga lalakeng nakarelasyon mo. Since may relationship naman kayo ni Mr. Sebastian, iyon na ang kailangan mong itawag sa kanya," sabi nya pa at panay ngiti sa akin. "Tama! Tama! Simula ngayon 'yan na ang itawag mo kay Mr. Sebastian. Naku, paniguradong matutuwa 'yon!" Masaya pang sabi ni Jerrold. Tumango na lang ako. Para sa akin ay maganda rin naman iyong salitang "Baby". Baka magustohan rin nga naman ni Xander. Tinulak nila ako nang bahagya at sinabing lapitan ko raw si Xander na ginawa ko naman. May kausap pa rin itong hindi ko nakikita. Baliw na ba sya? "Xander," tawag ko sa kanya pero hindi nya ako napansin. "Baby," Sabi ko at doon na sya natigilan. Dahan-dahan itong lumingon sa akin na may kunot na noo. "What did you just call me?" tanong nya. Hindi ko man halos maintindihan iyon pero alam kong nagtataka sya sa tinawag ko sa kanya. "Sabi kasi nila tawagin kitang...ano eh.." "What?" May inis na naman ang tono ng boses nito. "Baby." Hindi ko alam kung bakit natigilan sya. Hindi sya kaagad nakasagot. "Pero kung ayaw mo ay ok lang naman--" "No. I'm fine with it." "Talaga?!" Nabuhayan naman ako ng pag-asa. Akala ko kasi ay magagalit sya. "Yeah. Yeah. Now go away. I'm busy," sabi nya at tinalikuran na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD