Sobrang busy ni Kuya Cayde. Madalas bumisita si Kuya Lukas dito sa mansion at nagtatagal sa office ni Kuya Cayde rito sa bahay. Naging bahay at The Alpha's Foodie lang ang naging ruta ko. Nasa isip kasi ng kapatid ko na baka madamay ako sa nangyayari ngayon lalo na kay Anila, Anila pero ang nakasanayan ko talaga ay Lina. Kumusta na kaya ang babaeng 'yon? "Batsy…" tawag ni Kuya Cayde sa akin. Takang napatingin ako rito nang makita kong may hila-hila itong maleta. "Where are you going?" tanong ko rito. "Pupuntahan ko ang mag-ina ko." Seryosong ani nito na halata namang seryoso sa sinasabi nito. "Wow…" hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin."Really? N-iceee…" pero isa pa rin itong malanding nilalang. Magaling lang magbalat-kayo pero isang malaking kulugo. "Cayde…" tawag ni Ab

