Kabanata 3

2014 Words
BERNADETTE "SO what's your name?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive siya ng kotse. First time kong umupo sa passenger's seat dahil syempre, hot ang driver. Nakatuon lang ang atensyon niya sa pagmamaneho, halatang skilled siya dahil smooth ang takbo ng kotse. "Hermes." Malalim ang boses niya, baritono, lalaking lalaki. Kita ko rin ang paggalaw ng kanyang Adam's apple nang magsalita siya. "Oh. Sexy, parang yung may ari ng name," hindi ko talaga nilubayan ng tingin ang kanyang mukha at katawan. Ganito ang mga tipo kong guy, hindi kaputian pero malakas ang dating, iyong kaya kang ibalibag...sa kama. "Anong apelyido mo?" "Just Hermes," seryoso niyang wika. "Oh, Just Hermes. Kakaibang name ha?" pamimilosopo ko. Kapag hindi ako nagsasalita ay hindi rin siya nagsasalita. Nakakainis lang dahil parang na-program na siya ni daddy na ganito lang dapat siya makitungo sa akin. But anyway, pasasaan ba at makukuha ko rin ang loob ng yummy bodyguard na ito. "So, how old are you?" "Ilang taon ba ang gusto mong maging edad ko?" Gosh. Ang sexy ng pagkakasabi niya nito. Lumingon pa siya sa akin ng bahagya bago nagbalik ng tingin sa daan. "Nice ha? I guess, you're 25?" hula ko. "I am older than what you think," sagot niya sa akin. "30?" Hindi na siya sumagot pa. Nabibili ba ang bawat salita na sasabihin niya? Kasi kung mabibili, dadaan muna ako sa isang ATM machine para mag-withdraw. "So, may jowa ka?" tanong ko pa. "Yup." Parang agad akong nabuwisit na hindi ko kayang maipaliwanag. "So you're not virgin anymore?" dagdag ko pa. Lumingon lang siya sa akin at saka ngumiti ng bahagya bago muling nagbalik ng atensyon sa daan. "Ilang years na kayo?" "Hindi ko alam kung kailangan ko bang sagutin ang lahat ng tanong mo. Pero malapit na tayo sa school mo, kaya't huwag ka nang magtanong pa." Kill Joy. Getting to know lang naman sana, ipinagdadamot pa. BUONG maghapon, back to reality na naman ang buhay ko, bantay sarado ng aking bodyguard but the only difference is, mas gusto ko ang bantay ko ngayon dahil kahit para siyang robot kung kausap, at least hot. Alas sais na nang makauwi na kami sa bahay. At doon ay mayroon pa akong na-discover na katangian si Hermes. Kung kanina ay first time kong maupo sa passenger's seat ay ngayon naman, first time kong tumambay sa kusina habang mayroong nagluluto. Why? It's not manang Joan who will cook my dinner, it's the hottie bodyguard. Sinadya kong magsuot ng maong na pekpek shorts at sando na manipis ang strap, sapat na para maging sexy looking ako sa mga mata ng gwapo kong bodyguard. Naroon siya, naka-apron ng puti, tanging sando ang suot kung saan ay batak ang muscles at saka Naka shorts ng itim. Kahit hindi na nga ako kumain, busog na ako, sa view pa lang. Sa kitchen ay kunwaring kumuha ako ng Coco crunch at nagbuhos ng laman niyon sa tasa. Saka ko binuhusan ng fresh milk. Sinadya kong hindi kumain sa dining area, bagkus ay naupo ako sa tapat niya habang naghihiwa siya ng karne ng baboy. Hindi siya nakatingin sa akin pero nakatingin ako sa kanya habang kumakain. Nagfi-flex ang muscles niya sa braso sa tuwing maghihiwa siya. Halatang sanay siya sa gawaing ganito. "Ang galing mong maghiwa ano? Sana all nahihiwa," mahina ang pagkakasabi ko sa mga huling salita na binanggit ko. Pero hindi pa rin effective ang mga sinabi ko dahil best in deadma ang hunk kong bodyguard. "Anong lulutuin mo?" tanong ko at nagbabakasakaling sasagutin niya ako. "Maghintay ka na lang." "Tulungan na kita, turuan mo lang ako kung anong gagawin," sabi ko pa. Well, aaralin ko talaga ang magluto basta't siya ang magtuturo sa akin. Kahit anong dish pa iyan, basta't siya ang ulam ko, okay na. Teka, mali yata ang nasabi ko. "Mas mapapatagal lang kung iistorbohin mo ako. Tapusin mo na iyang kinakain mo at umalis ka na sa harapan ko," strikto niyang wika. "Masarap ka siguro..." singit ko sa usapan naming dalawa. Bigla niyang ibinagsak sa mesa ang kutsilyo at saka masamang tumingin sa akin. Halatang malapit na siyang mapuno sa pangungulit ko sa kanya. "Masarap ka sigurong magluto. Hindi mo kasi ako pinapatapos, masyado kang green minded ha?" Na-alrama rin naman ako sa kanyang pagiging dominante kaya't agad akong tumayo at dinala sa sink ang pinagkainan ko. Iiwan ko na sana iyon ngunit nagsalita siya. "Hindi mo ako katulong para ipahugas ang pinagkainan mo. Maghugas ka!" utos niya. "Si Manang Joan na lang mamaya," angal ko. "Pinauwi na siya ng daddy mo. Tayong dalawa at ibang mga guards na lang ang nandito," sabi pa niya. Oh. Kaya pala ang tahimik ng bahay. Bakit niya pinauwi ang mga katulong? Sino ang maglilinis ng buong bahay? "So, pagbalik niya, saka niya hugasan." "Hindi na siya babalik." Gosh. Seryoso ba sila? Ako lang ang maiiwan dito with...with this hot bodyguard? Well, pabor sa akin. I can do whatever I want to, pero mukhang malabo. Mukhang nambabalibag ng makulit itong si Hermes. Hindi uubra ang pagiging maarte ko sa kanya. "So, kung gusto mong magkasundo tayo, hugasan mo ang pinagkainan mo. Ngayon na," ma-autoridad niyang wika. Nagdadabog kong tinungo ang lababo at nagsimulang hinugasan ang isang tasa at kutsara. "Huwag mo akong pagdabugan. Baka basagin ko ang tasa sa harapan mo," strikto niyang wika. Ha? Nag-hire ba si daddy ng magmamando sa akin? Akala ko ba ay bodyguard lang? Bakit kailangan akong pagsabihan at kagalitan? At dahil wala akong masabi ay nagmadali na lang muna akong umakyat sa taas. Kahit hindi na ako kakain, bahala na siya. Masyado siyang masungit. Gwapo pa man din siya. Pag-akyat ko at pagpasok sa kwarto ko ay parang biglang sumara ang cabinet ko. Nagtaka ako dahil wala namang tao dito sa loob. Wala rin si Manang Joan. Pero isinasalang bahala ko na lang muna iyon dahil naiinis ako kay Hermes. Ginugol ko ang oras ko sa panonood ng kung ano ano sa YouTube hanggang sa tawagin ako ni Hermes na kumain. "Hoy. Kakain na!" Kung maka Hoy naman siya sa akin. Para lang akong taga kanto. "Ayaw kong kumain. Busog na ako." Saka ako tumalikod sa kanya na ngayon ay nasa pintuan. "Kapag hindi ka bumangon diyan ay baka iyang kama ang bangunin ko," banta niya sa akin. "Ay gutom na gutom na pala ako. Bakit ba kasi ako nanonood ng nanonood, tara na." Mabilis pa sa alas kwatro ay tumayo na ako sa higaan nang dahil sa takot sa kanya. Gosh. Nakahanap talaga ako ng katapat ko. Nasa hamba siya ng pintuan at mayroong kaunting space para daanan ko. Pinagkasya ko ang sarili ko doon dahil parang nangangain siya ng tao kung makatingin sa akin. Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang sa maglakad na ako sa hallway. HABANG KUMAKAIN ay wala kaming imik. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging tunog lang ng babasahing plato at kutsara ang maririnig sa kusina at sa buong bahay. "Ano ba talaga ang job description mo?" tanong ko sa kanya, sa wakas. Tumingin lang siya sa akin habang nginunguya ang pagkain. Akala ko ay sasagot siya pero hindi. Ay wow. Ignored. Seen. Famous si kuya. "Ibili mo nga ako ng kausap. Iyong sasagot kapag tinatanong at kinakausap," inis kong wika sa kanya. Ang sarap pa man din ng niluto niyang Mechado, gusto ko sanang kumain pero nakakawalang gana. "Ayaw ko nang kumain." Hinayaan kong puno pa ng kanin at ulam ang aking plato para asarin siya. "Kapag hindi mo inubos ang nasa plato mo, ako mismo ang magsasaksak niyan lahat sa bibig mo." Iyon lang ang sinabi niya pero ako heto at nagmamadaling sumubo ng pagkain. "Ang sarap. Nagbibiro lang naman kasi ako, ikaw naman. Masyado kang serious sa life," idinadaan ko lang sa tawa at sa joke pero sa totoo lang ay nanginginig na ang mga tuhod ko. MATAPOS kumain ay umakyat na ako. Siya na ang naghugas ng lahat. Habang nakahiga ako ay nagmumuni muni ako ay tahimik lang sa buong paligid. Pero biglang parang gustong bumukas ang cabinet ko dahilan para mapabalingkwas ako ng bangon. "Sinong nandiyan?" tanong ko. Pero hindi ko na hinintay pang mayroong sumagot at lumabas doon. Patakbo kong tinungo ang pintuan at nagmadaling bumaba. Kaagad kong tinungo ang guest room kung saan naroon si Hermes. Pero tanging bihisan lang niya ang nasa kama, naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo, naliligo siya. Paano ba ako mag-e-explain sa kanya? Bahala na. Naupo ako sa gilid ng kama at naghintay sa kanya doon. Nang lumabas na siya ay nagulat siya sa akin. Kita ko ang pag-atras niya at ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Hindi si nakasagot agad. Paano ba naman kasi, binilang ko ang abs niya, isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito....w-walo. Walo ang abs niya. At may v-line pa siya. Kahit sinong modelo, makikipag-p*****n makuha lang ang ganitong katawan. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa kanyang katawan pati na sa towel na puti. Ang bastos naman kasi eh. Bakit tinakpan? Dapat walang takip. "Hoy! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" "Dito ako matutulog. May multo sa kwarto ko," sabi ko pa. "Anong multo? Matakot ka sa buhay, huwag sa patay." "Buhay ba iyan?" Tinuro ko pa ang bulge sa kanyang harapan at nagkatinginan kaming dalawa. "Miss Penitensya, pinag-iinit mo talaga ang ulo ko," halatang puno na siya sa akin. "Eh di ba nga, bodyguard kita. Trabaho mo na bantayan ako!" giit ko pa sa kanya. "Pati sa pagtulog, babantayan kita? Ano ka, sanggol?" "Eh kasi nga, may naramdaman akong gumagalaw sa loob ng cabinet. Twice na iyon! Natatakot ako!" "Walang multo. Guni-guni mo lang iyon." "Nagtatapos na ba ang pagiging bodyguard mo kapag gabi na? Paano kung mayroong masamang nangyari sa akin?" "Bantay sarado ang buong bahay, walang mangyayaring masama sa'yo." "Hindi. May naramdaman talaga ako, promise. Pupunta ba ako dito kung wala?" "Ang tagal mo nang tao sa bahay na ito, ngayon ka lang natakot? Nakapagtataka naman yata iyan Miss Penitensya." Namewang siya sa harapan ko.. Yumuko lang ako at parang wala na talaga akong magagawa. "Sige na, bumalik ka na doon at magbibihis na ako." Wala akong magawa kaya't padabog akong bumalik sa kwarto ko. Bahala siya, siya ang malalagot kapag mayroong masamang nangyari sa akin. Pagbukas ko ng kwarto ko ay dahan-dahan akong pumasok. Hindi ko kaagad isinara ang pintuan, maluwag lang iyon na naka bukas. Pinagmamasdan ko ang paligid at nang bigla na lang nag-brownout ay mayroong tumulak sa akin na tao na nanggaling sa loob ng cabinet at nagmadaling tumakbo patungo sa terrace ng kwarto ko. "Tuloooonnnggt!" sigaw ko ng malakas. Tao nga talaga iyon. "Akyat bahaaaayyyyy!" At nang biglang mayroong pumutok na baril mula sa aking likuran ay napalingon ako. Paglingon ko ay tyempo namang yumakap sa likuran ko ang lalaking nakatapis lang ng puting tuwalya. Hindi tinamaan ang lalaking dumaan sa terrace, nakatakas siya. Umiiyak akong hinawakan ang kamay ng lalaking nasa likuran ko. Kilala ko kung sino siya, si Hermes. "Huwag ka nang umiyak, nandito ako. Sinundan kita," bulong niya sa akin. Pero patuloy pa rin ang panginginig ng aking tuhod. "Natatakot pa rin ako, Hermes." "Wala na. Nakaalis na. Tahan na," wika pa niya. "Pakiramdam ko kasi ay hindi pa rin ako safe," saad ko. "Nandito na nga ako, hindi ka na dapat matakot." Madilim pa rin ang paligid, patay pa rin ang ilaw. "Pakiramdam ko kasi ay mayroong nakatutok na matalim na bagay sa likod ko ngayon. Ang tigas," sabi ko pa. Bigla niya akong itinulak dahil na-gets niya ang sinasabi ko sa kanya. "Aray," reklamo ko bigla dahil sa ginawa niyang pagtulak sa akin. Bigla niyang inayos ang pagkakatapis ng twalya sa kanyang katawan at saka nagbukas ng ilaw. Sinundan niya kaagad ang bakas ng lalaki papunta sa terrace at saka lumingon sa kanan at kaliwa. Sabi ko kasi sa kanya mayroon akong naramdaman. Pagbalik niya ay saka siya nagsalita. "Huwag mong ugaliin na nakabukas ang pintuan ng terrace mo." "So ano, tabi na tayong matulog?" tanong ko sa kanya. Biglang kumunot ang kanyang noo at parang tumamlay ang aking pakiramdam. Hmp. Negative.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD