KABANATA 1 - Jaren

1446 Words
CHAPTER ONE  "Mama, anong balak mo sa kahilingan ni papa?" tanong ni Jaren sa mommy nitong nakatulala sa isang sulok. "Mama, alam mo yong kahilingan ni papa na 'di mapupunta sa atin o sa akin ang kayamanang naiwan niya kay kuya hangga't hindi ito naikakasal, Mama." "Hindi ko alam, Jaren. Hindi ko alam gulong-g**o ako utak ko wala akong maisip na posibleng paraan para mapunta sa atin ang kayamanan ng papa mong iniwan niya sa anak niya sa labas!" Galit na galit na bulyaw ng ginang kay Jaren. "Bakit 'di nalang natin ipakasal si kuya." Napatingin ang ginang dito nagtatanong ang mga mata. "Nag-iisip ka ba paano maikakasal ang isang lantang gulay na kulang nalang kabaong dahil patay na ang katawan niya, Jaren." "Kaya nga, Mama. Habang na sa atin pa ang katawan ni kuya bakit 'di natin siya ikasal sa isang babaeng walang makakaalam ng lahat ng 'to." Bahagyang napaisip ang ginang sa suhestiyon ng anak niya. "Saan tayo kukuha ng babaeng na papayag magpakasal sa isang taong hinihintay nalang na tuluyan mawalan ng hininga." Napangiti si Jaren hinawakan sa kamay ang ginang. "Ako ang bahala, Mama. Magtiwala ka!" ----- MARY JANE POV BAGUIO CITY. "Strawberry kayo riyan. Fresh pa po ito galing lang po sa farm ni Mang Pedro." Nawawalan na yata ako ng boses sa kasisigaw para lang mabili ang lako kong strawberry. Pero matumal ngayon ang bentahan siguro dahil 'di peak season, naisip ko si Emily. Ang kapatid ko first chemotherapy niya na sa susunod na linggo. Wala pa rin akong naitatabing malaking halaga para sa kaniya. "Jane, tulala ka na naman diyan. Ano na naman ba nasa isip mo?" tanong ng kaibigan ko hindi ako sumagot tiningnan ko lang siya. "Doon lang ako sa bandang gawing yon, Rose. Baka may bumili d'on." "Mag-iingat ka." Tumayo ako tinungo ang isang parke kong saan marami akong taong nakikita umaasang bibili ang mga ito sa tinda ko. Ako si m*******e, 22 yrs. old. Ulila na sa mga magulang kasama ko ang kapatid kong si Emely. Dalawa na lang kami ang naiwang namumuhay at noong nakaraang taon napag-alaman namin na may leukemia si Emely. Kaya kinakailangan itong masuri sa lalong madaling panahon para madugtungan ang buhay ng kapatid ko. "Hi!" Napatingala ako sa lalaking nasa harapan ko tantiya ko nasa 25 na ito sa tindig at pangangatawan na ito. "I'm Jaren--- and you are?" Tiningnan ko ang kamay niyang nasa harapan ko nagdadalawang-isip kong tatanggapin ko ba ito. "Hindi ako masamang tao! Actually bakasyunista ako dito sa napakaganda niyong lugar, Binibini." Nanatili akong nakatingin sa kanya walang kibo nakaramdam ako ng hiya sa disenteng mukha nito. "I'm Architect Jaren Sandoval, and you are?" Muling pagpapakilala nito na hindi tinanggal ang kamay na nasa harapan ko. Isa pala itong architect nakaramdam ako ng paghanga dito dahil ito ang pinapangarap kong kurso noon pa mang buhay pa si nanang at tatang. "I'm m*******e Fuentes, tagabenta ng fresh strawberry galing sa farm ni Mang Pedrong." Pormal kong pagpapakilala sa kaniya, tinanggap ang kamay nito. "I love strawberry also my mom loves it." "Bibili kayo?" "Bibilhin ko lahat yan kong papayag kang umuwi ka na at ihahatid kita." Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi nito. But on the contrary dapat ba siyang magtiwala sa imbitasyon nitong paghatid sa kaniya. "Here is my Id I want you to trust me, Mary Jane." Tinanggap ko ito binasa ang kabuuang pangalan Architect Jaren Salvador. "Sigurado ka ba? Mahal 'to aabot ng dalawang libo." Natawa si Jarren sa tinuran ko. "Sigurado ako. So, lets go?" "Teka lang! Hindi mo naman ako kailangan ihatid alam ko naman pauwi atsaka baka maabala lang kita." "No, you are not malay mo sa susunod na araw isang sako na bibilhin ko at least alam ko na bahay niyo. Right?" Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi nito. Malaking pera ang isang sako, naisip ko. Pikit mata akong tumango agad nitong kinuha sakin ang dalawang basket na dala ko nilagay sa likod ng sasakyan pagkatapos akong pagbuksan sa unahan. "Trust me!" Tumango-tango ako. Ngumiti ito tsaka ko lang napansin na napaguwapo pala nito at wala naman sigurong sobrang gwapong masamang tao at mukha naman itong mayaman sa ganda ng sasakyan at ganda ng damit nito. "Uhm--- Mary Jane." "Bakit?" "Okay lang ba sayo kung dadaan muna tayo sa hospital?" Napatingin ako dito nagtatanong. "Bakit?" "We have patient there ang kapatid ko. Dadalhin ko muna sa kaniya strawberry na binili ko sayo and ihahatid na kita don't worry sandali lang tayo." Muli akong nagtiwala sa sinabi nito. "By the way! Are you with your family?" "Ha!" "Ah-pamilya mo? Sino kasama mo?" Bigla kong naalala si Emely, ang oras ng pag-inom nito ng gamot. "Ulila na ako sa mga magulang pero meron akong kapatid si Emely," Tiningnan ako ni Jarren may awa sa mga mata nito. "I'm sorry!" "Hindi! Okay lang matagal na naming tanggap na wala na si nanang at tatang." "Kailan pa?" "Labing-isang taong gulang ako noong mahulog yong sinasakyan nilang bus sa bangin papunta ng Manila para ipagbili ang lupa namin." Tumango-tango ito. "At nasaan yong kapatid mo?" "Si Emely, nasa bahay siya nagpapagaling." "Nagpapagaling?" Umiwas ako ng tingin sa labas ng salamin. "I'm sorry, Jane," "May leukemia ang kapatid ko." NAKARAMDAM ng pag-asa si Jaren alam niyang kailangang-kailangan ng dalaga ang malaking pera para sa pagpapagamot ng kapatid nito. Alam niyang hindi malabong mapapayag niya si Melanie sa gusto nilang mangyari kapalit ang buhay ng kapatid nito. ILANG sandali nakarating na sila sa Hospital kong saan nandoon si Dominic sa ICU. "Dito rin nagpapacheck-up si Emely," Pagbibigay-alam ko kay Jarren. "Nice! Actually bagong lang kami rito. We came from Elnido dito namin pinili kasi masyado ng toxic sa Manila." "Pero magagaling sila doon nga dapat si Emely eh. Wala lang akong sapat na halaga. Pero marami akong nahihingan ng tulong." Ngumiti si Jarren sa akin. "And Im here ready to help you, m*******e," Nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko sa mga sinabi nito. Bumukas ang elevator wala kaming kibuan hanggang sa muling bumukas ito agad kong natanaw ang ICU. "Lets go! Ipapakilala kita kay kuya." Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga pasyenteng nasa ICU. Ito ay para sa mga taong may matinding karamdaman binigay ng binata sa akin ang isang Hospital dress at isang mask. Tahimik ko itong sinuot ni bago kami pumasok sa silid ng kuya nito. Nakita ko ang mga aparatong nakakabit sa katawan nito maging ang ilang oxygen na nasa gilid ng kama ng binata. "Kuya Dominic want you to meet m*******e," Nilingon ako. May katanungan sa mga mata kong sinalubong ang tingin niya. "May sakit siya sakit na kahit sino hindi maipaliwanag. Isang araw bigla nalang siya hinimatay and then hindi na siya nagkamalay!" Tahimik lang akong nakikinig dito. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. "And know what noong mga bata pa kami may isa siyang laging hiling, m*******e," Lumapit ako sa kama nito. Tiningnan ang maamong mukha nito di maitatangging kapatid nga ito ng lalaking nasa harap ko, kahit nakapikit ito magandang lalaki pa rin ang binata. "Ano yong hiling niya?" "Lagi niyang hiling na bago siya mamatay maikasal siya sa isang babaeng magugustuhan ng pamilya namin para sa kaniya" Lihim na pinagmamasdan ko si Jaren, awa ang nakikita kong emosyon sa mukha nito. "Pag magaling na siya pwedi ng matupad yong hiling niya, Jarren." "But I think it wouldn't happen." Napatingin ako kay Jarren nagtataka. "Bakit?" "He is dying! Bilang nalang ang natitira niyang araw, m*******e. Sooner or later mawawala na siya. He almost ghost for us machine nalang ang nagdudugtong ng buhay niya" "H'wag mong sabihin yan! Kapatid ka niya dapat buo ang loob mong mabubuhay siya na makakasama niyo siya." "But its true--- and we accept it that he is dying! m*******e, kaya bago mangyari yon gusto namin ibigay ang hiling niya." Lumipat si Jarren sa kinatatayuan ko--- he hold my hand habang nakatingin sa mga mata ko. "m*******e Pease! Marry my brother." Bigla kong hinila ang kamay kong hawak niya dala ng pagkabigla sa sinabi nito. "m*******e, we want you--- we like you." "No! Imposibleng mangyari 'to. Hindi ko siya kilala hindi ko siya nobyo and besides mamamatay na siya sabi mo." Tanggi ko dito muli nitong hinila ang kamay ko. "Pag-isipan mong mabuti, m*******e! Babayaran ka namin kahit magkano kasama noon ang pagpapagamot sa kapatid mo. Buhay ni Emely ang kapalit ng kahilingan ni kuya." Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Muli kong tinapunan ng tingin ang kuya ng binatang nasa harap ko sa isip ko hindi ko matatanggap ang ideyang magkakaroon ng almost "GHOST GROOM" "Kulang nalang kasi kabaong---ibuburol na ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD