PAREHO silang natigilan ni Ford Dean ng hindi sinasadyang magdikit ang mga kamay nilang dalawa ng sabay silang nag-angat ng kamay para kumuha ng ulam na nasa may plato. At sa pagdidikit ng kamay nila ay naramdaman ulit niya ang kakaibang init na dumaloy sa buo niyang katawan. And it seems that Ford Dean felt that way because he looked up and stared at her. She couldn't resist staring at him as well. At sa sandaling iyon ay parang tumigil ang ikot ng oras and it seemed that the world only revolved around them. Tatlong araw na ang lumipas simula noong may nangyari sa kanilang dalawa ni Ford Dean. At first, iniisip niya na baka mailang silang dalawa sa isa't isa. Baka maapektuhan ang trabaho niya at pakikitungo nito sa kanya. Pero hindi iyon nangyari. Siguro dahil sa parte niya ay wala siyan

