MASAKIT ang ulo ni Camilla nang magising siya kinabukasan. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. At ilang beses siyang napakurap ng mga mata nang makita ang puting kisame. Nasaan siya? Hindi naman niya napigilan na itanong iyon sa isipan. Akmang babaling siya sa kanyang gilid nang napatigil siya nang makita ang nasa kamay niya. Dextrose. At nang igala niya ang tingin sa paligid ay doon niya na-realize kung nasaan siya. She was in the hospital. But what is she doing there? Pilit naman inaalala ni Camilla kung ano ang nangyari kung bakit nasa ospital siya. Hanggang sa naalala niya na nahulog siya pool. Sinubukan niyang umahon pero hindi niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang mga binti at hanggang sa dinadala siya sa ilalim at unti-unti na siyang kinapusan ng

