NASA sofa silang dalawa ni Ford Dean. Magkatabi silang nakaupo sa sofa. Habang ito ay nakatutok ang atensiyon sa harap ng laptop nito ay siya naman ay abala sa pagbabasa sa librong hawak niya. She was reading her favorite novel. Well, nabasa niya iyon pero nire-read pa ulit niya. Ganoon naman talaga kapag nagsutuhan niya ang binabasa o pinapanuod. Kahit na alam na niya ang kwento o kung ano ang mangyayari ay hindi pa din siya nagsasawa na basahin iyon ng paulit-ulit. At ang librong binabasa din niya ay ang librong binasa din niya noon kay Ford Dean. Paborito kasi niya iyon at gusto niyang i-share din iyon dito. Hindi nga din napigilan ni Camilla ang pagsilay ng ngiti sa labi niya nang nasa kinikilig na siyang scene. She was about to continue reading when she noticed heavy stares from her

