Si Heaveno ay ang dating anghel na naging mortal.Ang pangalan niya ay sagrado,
Siya naman talaga si Pharaoh o Phoenix Martinez.Siya ang itinakda,ngunit nandoon pa siya sa mundo ng mga mortal,ngunit kapag ang espiritu niya ay lumalabas sa katawang pantao,siya si Khendro.
Alam niya ito pero hindi niya sinasabi dahil baka sabihan siyang buwang.Kaya nililihim niya ito.Masakit sa kanya kung isipin yun pero wala siyang magagawa kundi tanggapin ang mapait na katotohanan.
Dahil yun ang nararapat.
Si Pharaoh ay may nililihim na kakayahan,
May kakayahang siyang higit pa sa mahika,
Ito ay ang gammastica,nagawa niyang pailawin ang bumbilya na sira na ang electric circuit.At alam niya na sa nakaraang buhay,kung wala ang mahika niya ay walang Meralco.Isang mahabang kuwento bago ang Titanic.
At Ngayon nasa mga mortal siya at kailangang tiisin ang bawat hamon ng mundo.Yan ang prinsipyo na natutunan niya sa buhay.Hindi nga niya alam paano mababago buhay niya dahil may diwata o espiritu ng kasamaan na pilit kinokontrol ang buhay niya na parang ayaw siyang nakikitang umaangat.
Pangarap niyang maging business tycoon bago siya maging senador.Dahil alam niya kung gaano karumi ang pulitika,ayaw niyang matulad sa ibang pulitiko na nakulong dahil kapos sila sa yaman na sila talaga ang nagpundar.
Si Pharaoh ay natulog,At si Sheena at Minah ay nasa gawing kanan at kaliwa niya.
"Ano Pa,Saan mo gustong pumunta ,sa Enchantadia o sa Garasus?,Tanong ni Sheena.
"Saan mama niyo?",Tanong ni Heaveno.
"Wala siya,kung pipiliin mo ang Enchantadia, wala Doon si Mama,kapag Garasus, makakasama mo si Mama.",Saad ni Sheena.
"Garasus na lang.",Tugon ni Pharaoh.
At sila ay tumungo sa Garasus.
"Nandito na tayo.",Saad ni Sheena.
"Ito ang Noxaria, Ikaw ang Hari dito.",Sambit ni Minah
At si Heavena ay paparating kasama si Sarah.
"Nandito ka na rin Mahal ko,Hanggang kailan tayo ganito.Buti may mga maaasahan Kang mga anak.",Saad ni Heavena.
"Pa,Kain ka muna.",Saad ni Sarah.
"May lechon baka dito.",Si Gudiva habang paparating.
"Avesala Ave Heavena.",Bati ni Gudiva.
"Avesala Gudiva.",Tugon ni Heavena.
"Avesala Kamahalang Heaveno.",Bati ni Gudiva.
"Kain ka muna Mahal Kong Heaveno.",Saad ni Heavena.
Kumain sila,subalit ang kinain ni Heavena ay prutas lang.Hindi kasi kumakain si Heavena ng karne simula nang ito'y namuhay kasama ang mga mortal.
At kahit nung sila ay nakarating nang langit ayon sa sagradong kasaysayan ng langit.
Hindi niya likas ang kumain ng karne.
At kinabukasan,bumalik si Pharaoh sa buhay niya sa mundo ng mga mortal.
Lumipas ang ilang taon,siya ay naging Business Tycoon at isang Senador.
At ang mama Rhoana niya ang tagapayo niya bilang isang pulitiko.
At mayroon siyang mga restaurant, Ito ay ang Aristocrata Restaurant.
Dugo at Pawis ang puhunan niya bago ito napundar sa tulong na rin ng Mama niya.
Maraming problema sa pulitika na nalusutan niya dahil mayaman siya at walang bahid ang kanyang reputasyon.
At si Khendra ay nasa sulok habang minamasdan si Pharaoh.
"Lucifero, hanggang kailan ko titiisin na hindi ka makausap sa totoo Kong anyo.
Hanggang kailan malilihim sayo kung gaano ka kaguwapo.Kung pwede lang gawin ko ang buo Kong makakaya na ilantad sayo ang tunay Kong anyo ay gagawin ko,kaso wala akong magagawa kundi ang maghintay.",Saad ni Khendra.
Sa lupain ng Magarus at Nogariah, ang kaharian na iniingatan ni Henna.Matagal na niyang hinihintay ang Itinakda.May lihim siyang pagtingin dito,at alam niya na noon pa ay asawa na niya ito sa nakaraan.Nagka amnesia kasi ito simula nang ito'y maging mortal.Bilang isang Tagamasid na diwata,iniingatan niya ang Nogariah, kasi dito magsisimula ang kapalaran ng itinakda.
Iniwan ni Henna ang pagiging Reyna dahil wala dito ang dapat sanang magiging Hari, napunta na sa Kaharian ng mga diwata si Pharaoh noon subalit hindi siya napagbigyang maging Hari.
Kaya naging bata itong muli at nabuhay sa mundo ng mga tao.
Si Pharaoh bilang Senador ay medyo nahirapan sa sistema ng pulitika sa Pilipinas. Nakibaka sa madilim na impluwensya ng pulitika.
Hindi naman masama ang pulitika ayon sa kanyang paniniwala,Kailangan itong ireporma. Nais niya itong mabago,ngunit hindi ito madali.At isang bakal na pader ang gigibain niya,ngunit hindi sa pamamagitan ng lakas kundi sa pamamagitan ng charisma.
Hindi alam ni Pharaoh ang magiging kapalaran niya sa Kaharian ng mga diwata.
Hindi niya alam ang itinakda para sa kanya.
Sa lupain ng Magarus, may diwata na ang ngalan ay Remaya.Isa siyang diwata na gumagamit ng itim na mahika,na ipinagbabawal sa Emmerandia. Subalit hindi ito nakikinig sa sinuman,
Ang maitim niyang balak ay guluhin ang Magarus.At hindi ito lingid sa kaalaman ni Janaya,Ang Tagapagmasid na diwata sa Magarus.
"Nakikita mo ang masamang diwatang iyan, pinag-aralan niya ang itim na mahika,upang maghasik ng lagim dito sa Magarus, nandito na siya,hinihintay lang niya ang bilog na pulang buwan upang magamit ang kapangyarihan niya.",Saad ni Janaya habang nakatingin sa bilog na salamin.
"Nabatid ko ang bagay na yan,matagal nang may balita tungkol sa kanya.Ginulo niya ang Pandora,at nandito siya sa Magarus,upang guluhin ang mga diwata dito."Tugon ng isang diwata na si Shinaya.
"Ihanda natin ang sarili natin.",Tugon ni Janaya.
At plano ni Henna na magpanggap na applicante sa Kompanya nila ni Pharaoh.
Kaya niyang mamuhay na Gaya ng mga tao.
Matagal na niyang ginagawa yun,masundan lang si Pharaoh.
At pumasok siya sa opisina.
"Good Morning miss,Have a sit.",Saad ni Pharaoh.
"Good Morning sir,Salamat.",
Tugon nito.
"Anong position na inaapplyan mo miss?",Tanong ni Pharaoh.
"Sir,I'm applying as a secretary of an HR Department.",Tugon ni Henna.
"By the way what is your name Ma'am?",Tanong ni Pharaoh.
"Ahh Sir,I'm Monica Irich Dela Cerna.",Tugon ni Henna.
"OKay,Tell me why should I hired you?",Tanong ni Pharaoh.
"Sir,I'm a responsible and can adapt stressful situation behind working hour.
If you give me an opportunity, I will do my best a secretary. ",Saad nito.
"You have a good vision,It's an impressive words.I see a responsible employee in your presence, I will hire you.And I expect that you will do your part as a secretary. ",Saad nito.
At lumapit si Henna.
"Thank you Sir,I'm excited to work in your company. "Saad nito habang kinamayan si Pharaoh.
At naramdaman ni Pharaoh ang kuryente sa kamay nito.It's a strange feelings na bago lang kay Pharaoh.
Pagkahapon ,umuwi na si Henna sa apartment niya.Sinundan naman talaga niya si Pharaoh sa mundo ng mga mortal,at namuhay na Gaya ng tao at kumita at nagtrabaho.
"Ngayon Heaveno,konti na lang mas lalo akong mapapalapit sayo.",Saad ni Henna sa sarili nito.