Adriana’s Point of View Kaagad naman silang napatahimik at nag-iwas ng mga tingin. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa dalawa. "It doesn't," ang tugon naman ni Juancho na matalim pa rin ang pagtitig kay Steve. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. "Nice to meet you, bro." Inalok naman ni Juancho ang kanyang kamay. Napatitig lang naman si Steve sa kamay ni Juancho. Napatingin naman sa akin si Juancho. "Marunong ba itong makipagkamay?" Nanlisik naman ang aking mga mata sa katanungan niyang 'yun. Bumalik ang tingin niya kay Steve bago binawi ang mga ito. "Ang mabuti pa, tara na," ang yaya ko naman sa kanilang lahat bago hilain palayo si Steve. "Mahal, let's go." Kaagad namang sumunod sa akin ni Steve. Humarap naman ako sa mga kapatid ko. Susme, nakakayamot talaga sila. Gawain ban

