Adriana’s Point of View “Just eat, Steve,” ang bilin ko naman sa kanya. Napangiti naman siya at tumango. “Addie, this tasted better,” ang wika naman niya. “Perhaps, because it came from you.” “Just eat,” ang natatawa ko namang pag-uulit. “Fine,” ang wika niya bago pinagpatuloy ang pagkain. Napansin ko ngang binagalan niya ang kanyang pagkain. Binalot kami ng katahimikan. Napatingin naman ako sa oras. Mag-aalastres na pala. Ang bilis ng takbo ng oras. “I’ll see you later,” ang paalam ko naman kay Steve pagkatapos ng aming hindi inaasahang late night snacks. “Thank you for preparing the Korean noodles,” ang pasasalamat ko sa kanya. “I think we’ll do that again anytime soon,” ang tugon naman niya sabay ngiti. Ngumiti naman ako pabalik bago tuluyang pumasok ng kuwarto. Muli akong nahi

