Adriana’s Point of View “Have a seat, dear,” ang bilin naman niya sa akin sabay turo ang sofa gamit pa rin ang kanyang fuschia pink na feather pen. Bago ako sumunod ay hinubad ko muna ang nagmamaganda kong oversized coat. Naupo naman ako sa sofa. “Welcome to RnJ Office,” ang wika naman niya bago nagtungo sa kanyang mesa at kumuha ng mga papeles. Lumapit naman siya sa akin at inilipag ang mga papel sa coffee table bago naupo sa sofa sa tapat ko. May dalawang folder siyang inilapag. Itinulak naman niya ang nasa kanan patungo sa akin. “Para saan ito?” ang tanong ko naman sa kanya. “Non-disclosure agreement na kailangan mong pirmahan,” ang paliwanag naman niya. Basahin mo na muna and then, decide if you want to sign it or not. Kapag pinirmahan mo ‘yan, doon ko lang naman puwedeng ipaliw

