Adriana’s Point of View “Bilis talaga ng panahon,” ang saad naman ni Ate Celine. Kasalukuyan kaming nasa loob ng aking silid at naghahanda nang matulog. “Alam ko namang darating din ang oras na ito pero… hindi pa rin ako makapaniwala na nag-asawa ka na, Addie.” “Ate naman, para kang matanda kung magsalita,” ang komento ko naman. “Ipapaalala ko lang sa’yo na ilang taon lang ang agwat natin sa isa’t-isa.” Sakto namang umakyat ako ng kama. “Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, paniguradong pareho ang mararamdaman mo,” argyumento niya habang sumunod at tumabi sa akin. “Ikaw ba? Anong nagustuhan mo kay Steve? Bukod sa guwapo siya.” “Grabe ka, Ate. Hindi lang naman ako naa-attract sa kagwapuhan ng isang tao.” “Hay naku, Addie. Talaga ba? Huwag ako,” ang tukso naman niya sa akin kaya natawa ako

