Adriana’s Point of View
Manila, Philippines
“Do you, Juancho, take Adriana to be your lawfully wedded wife, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?”
“I do,” ang tugon ni Juancho, ang lalaking papakasalan ko ngayon. Nakilala ko siya sa isang book signing ilang taon na ang nakalilipas. Para sa akin, it was love at first sight. Masasabing siya ang lalaking pinapangarap ko. Halos lahat ay naka-check sa listahan ng characteristics ng dream man ko. We dated a while… at naging mag-boyfriend nang matagal. Ilang beses niya na akong inalok ng kasal at ilang beses ko na rin siyang hinindian. Mahal ko si Juancho. He’s my heaven… pero hindi ako handang maging asawa. Um-oo na lamang ako nang maramdaman kong handa na ako.
Napatingin siya sa akin sabay ngiti. Nakita ko ‘yun sa likod nga aking puting belo.
“Do you, Adriana, take Juancho to be your lawfully wedded husband, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?”
Napasulyap ako kay Juancho, hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Muli akong napatingin sa pari.
“I don’t,” sa wakas ang tugon ko. Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid. Napanganga at nanlaki naman ang magmata ng pari sa aming harapan.
“A-Adriana,” ang pagtawag sa akin ni Juancho. “Anong ibig sabihin nito? Mali lang ang narinig ko, hindi ba? You meant to say yes.”
Tinanggal ko naman ang aking belo at hinarap siya. Kaagad namang nanlisik ang aking mga mata. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.
“Tama ang napakinggan mo, Juancho,” ang anunsyo ko. “Hindi kita papakasalan.”
“P-pero bakit?” ang nauutal na tanong niya.
“Ang kapal ng mukha mo,” ang sabi ko sa pagitan ng aking mga ngipin. “Minahal kita ng lubusan pero anong ginawa mo?! Linoko mo akong hayop ka! Magsama kayo ng ahas kong kaibigan!”
Napatingin naman ako sa mga tao sa paligid. Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha. Hinanap koa ng mukha ng isa sa mga kinamumuhian kong tao ngayon.
“Lea!” ang pagtawag ko nang makita siya. “Sa’yo na ang walang kwentang taong ito! Akala niyo ba hindi ko malalaman?”
“A-addie, tapos na ang sa amin,” ang paglilinaw ni Lea, ang kaibigan kong ahas na nagbabalat-kayong isang mapagmahal na kaibigan.
“Kailan?! Nakita ko kayo nung isang araw!” ang tugon ko. “Huwag ako, Lea. At ikaw…” Humarap naman ako kay Juancho. “Papakasalan mo lang naman ako dahil sa yaman namin, hindi ba?”
“A-Addie, kahit kailan, hindi naging ganyan ang intensyon ko sa’yo,” ang paliwanag niya sabay hawak sa mga kamay ko.
“Sinungaling!” ang bulyaw ko naman sabay hampas ng hawak kong bouquet sa dibdib niya. Luhaan akong tumakbo palabas ng simbahan. Ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako muling iibig pa.
At yan ang aking naging kwento…
“SO, hindi ka na nagkaroon ng ibang boyfriend simula nang nangyari yun?” ang tanong ni Trixie, ang bago kong kaibigang beki. Umiling naman ako.
“Hindi ko kailangan,” ang komento ko naman sabay inom sa ngayong malamig nang kape. “Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Aksaya lang sa oras ko ‘yan. Aksaya sa oras ang magmahal; lalo na ang masaktan.”
“Hay, girl,” ang reaksyon naman niya. “Isa sa mga pangarap ko ang maikasal. Sinasayang mo ang chance.”
“Una sa lahat, tulad ng sinabi ko, hindi ko kailangan. Hindi necessity sa buhay ang pag-aasawa,” ang pagsisimula ko. “Pangalawa, pwede kang magpakasal kahit na beki ka. May mga lugar sa mundo na posible ‘yan.”
“Hindi ka ba natatakot tumanda na mag-isa?” ang tanong niya sa akin sabay simangot.
“Bakit naman ako matatakot?” ang tanong ko pabalik. “Marami akong pwedeng gawin sa buhay ko. Sa career ko.”
“How ironic,” ang komento niya. “Isang romance writer na hindi naniniwala sa true love. Girl, kailangan mo nang madiligan nang hindi naman pati yang pananaw mo, eh, sobrang dry.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang manuscript sa tabi at inihampas sa kanya.
“Ikaw talaga. Palibhasa, hindi ka nawawalan ng maipapalit,” ang komento ko.
“Nag-alala lang naman ako sa’yo, besh,” ang sabi niya sabay hilot sa braso niya.
“Don’t,” ang tugon ko sabay tuon ng atensyon sa screen ng aking laptop. Ilang minuto ko na rin itong tinititigan. Hindi ko matuloy ang aking kwentong isinusulat. Inatake na naman ako ng writer’s block kaya walang pumapasok sa aking isipan. Clinick ko naman ang minimize button. Kailangan kong magpahinga at kailangan ko ng inspirasyon. Lumitaw litrato ni Park Seo Joon sa home screen ng laptop ko. “Satisfied na ako sa asawa kong si Park Seo Joon.”
Napa-ikot naman siya ng mga mata sa aking nasabi. Hanggang sa Korean Novelas na lang talaga ako sumasaya. Sa aking pahinga ay wala akong inatupag kundi ang manood ng Korean dramas lalo na kung si Park So Joon ang bida.
“Malala ka na talaga,” ang komento niya. Hindi ko naman siya pinansin, bagkus ay mas lalo akong tumingin sa litrato ng aktor na iniidolo ko. Natigilan naman ako nang mag-pop up ang Skype. Tumatawag ang aking nakakatandang kapatid na si Celine. Sinaksak ko naman ang aking earphones sa laptop sabay tanggap sa videocall.
“Hello, ate,” ang pagbati ko nang makita ang kanyang mukha. “Napatawag ka bigla?”
“Uuwi na kami pagkatapos ng ilang araw,” ang balita niya, halata sa kanyang boses ang kalungkutan.
“Ha?! Bakit parang biglaan naman?” ang naguguluhan kong reaksyon. “May nangyari ba diyan sa California?”
“Adriana, si Papalolo—malala ang kanyang kalagayan,” ang malungkot niyang sinabi. “Kailangan nating umuwi ng Laguna. Hintayin mo ako at sabay na tayong umuwi bago pa mahuli ang lahat.”
“Naiintindihan ko, ate,” ang tugon ko naman bago natapos ang aming usapan. Dahan-dahan ko namang sinara ang lid ng laptop bago inalis ang earphones sa aking mga tenga. Napatingin naman sa akin si Trixie.
“Besh, anong problema?” ang tanong niya sa akin. Napayakap naman ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang aking pagluha dahil sa pag-aalala sa aking lolo. Sobra akong malapit sa aking lolo. Palagi niya akong pinagbibigyan sa mga gusto ko kaya naman iba ang naging bond namin. “S-si P-Papalolo. Nag-aalala ako para sa kanya.”
NANG umuwi si Trixie ay naiwan akong mag-isa sa aking condo unit. Puno pa rin ng pag-aalala ang aking isipan sa balita tungkol sa aking lolo, Papalolo, kunga aking tawagin. Napatingin ako sa aking laptop table. Kaagad kong nakita ang asul na kahon sa gilid. Tumayo naman ako para kunin yun. Nang makaupo sa sofa ay binuksan ko ang kahong hawak ko. Puno ito ng mga liham mula kay Papalolo; ugali niya nang palagi akong padalhan ng mga liham kahit na nansa modern na tayong panahon. Sa tuwing magpapadala siya ng liham ay palagi niyang itinatanong sa akin kung kailan ako muking susubok na mag-asawa. Ito lang daw ang tangi niyang kahilingan sa buhay. Gusto ko siyang pasayahin pero paano? It’s not like I can get married in an instant.
“Nababaliw ka na talaga,” ang sabi ko sa aking sarili nang maka-isip ng isang plano. Inilapag ko ang karton sa tabi ko sabay kuha sa aking phone. Tinawagan ko si Trixie.
“Hello,” ang kaagad kong pagbati sa kanya nang sagutin niya ang tawag.
“Yesh, beshy?” ang tanong naman niya. “What can I do for you?”
“Kailangan ko ng lalaki,” ang tugon ko naman.
“Ha?!” ang tanging nasambit niya; rinig ko ang gulat sa kanyang tinig. “Hindi naman parang instant noodles ang pagkakaroon ng jowa.”
“Kailangan ko ng lalaking magpapanggap na asawa ko; para kay Papalolo,” ang paliwanag ko naman. “Matagal niya na akong kinukulit na magpakasal. Hindi ko man maibibigay sa kanya ang seremonyas, sapat na sigurong may mapakilala akong asawa na pasok sa standards niya.”
“Girl, naiintindihan kita,” ang saad naman niya “Pero mukhang mahihirapan akong makahanap ng taong gustong magpanggap na asawa ka.”
“Hindi ba pwedeng ikaw?” ang tanong ko naman.
“Gaga!” ang reaksyon naman niya. “Pareho na tayong may perlas. Salamat, dok! Isa pa, um-effect na ‘yung hormone pills na iniinom ko kaya nag-iba na ang boses ko. At tsaka, paano ko maitatago ang mga patolang pinalagay ko sa mga dibdib ko?”
“Willing akong magbayad, beshy,” ang paki-usap ko. “Hanapan mo ako ng pwedeng magpanggap. As soon as possible, beshy. Please.”
“Osiya, sige. Gagawin ko ang makakaya ko,” ang tugon naman niya.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tatlong profile mula kay Trixie. Nakipag-set ako ng blind date sa tatlong magkakahiwalay na oras sa makalawa. Isang simpleng date sa Blue Marlin Restaurant. Kailangan ko munang makita kung sino sa kanila ang papasa sa standards ni Papalolo.
Tatlong tao. Sila ang mga dapat kong tignan bukas.