Chapter 6

1273 Words
LAITERA 5 - CIRCLE OF KONTRABIDAS   "GET OUT!" Sigaw ni Beatrice sa mga estudyanteng kakasakay lang ng elevator. Yes, may elevator at escalator ang university namin. Sosyal ang Richman's eh. Hanggang 13th floor ‘yong pinakamataas na building ng university at do’n namin hilig tumambay. Paano ba naman puro kagandahan lang ‘yong makikita mo ro’n, hindi tulad sa ibaba na puro kapangitan lang ‘yong mapapansin mo kahit pumikit ka pa.   Nagmamadaling nagsilabasan ang mga estudyanteng nakasakay sa elevator maliban sa isa. Mukhang baguhan ito. She looks so simple, parang hindi mayaman. ‘Yong mga gamit niya halatang branded din naman kaso bakit gano’n, parang ang simple pa rin niyang tingnan? Nasa pagdadala ng mukha pa rin talaga siguro ‘yan.   "Dianne...la-labas!" Nininerbyos na sabi no’ng isang estudyante sa babaeng naiwan sa elevator. Para namang naguguluhan na ewan ‘yong Dianne. May pagkatanga rin pala ang isang ito. Gusto ba niyang magpakamatay? She doesn’t have any idea na apat na impakta ang makakasakay niya sa elevator.   "DIANNE!" Nakita kong pinandidilatan na siya ng mata no’ng babaeng tumatawag sa kanya.   "Relax." Bulong ko sa babae tapos pumasok na 'ko sa elevator.   "Don't worry darling, we will take good care of your friend." Nakangising sabi ni Allison sa babae. Napayuko naman ito at napaatras. Sumunod na rin sina Allison, Beatrice at Samantha sa ‘kin.   "Wait, hindi na lang pala ako sasabay." Sabi nung Dianne ang pangalan. Mukhang natauhan bigla. Aalis na sana ito kaso hinila ko siya sa balikat.   "Stay here!" utos ko sa kanya. Pinindot ni Allison ang button number 13 nang sumara na ang elevator.                                                             "Hi Dianne." Bati ni Beatrice dito. Nasa may harapan namin siya.   "H-hi." kinakabahang lumingon ito sa 'min.   "Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" tanong ni Beatrice.   "A-ang ano po?"   "I said get out pero hindi ka lumabas."   "Kami naman po kasi ‘yong nauna sa elevator." pagdadahilan nito. Ngumisi naman si Bea.   "Wala akong paki kung sino ang nauna, basta kapag sinabi ko na get out... Get out!"   "Bea, tinatakot mo naman siya eh." Nakangising sabi ni Samantha.   "Wow, Gucci ang bag ng bruha!" Hinatak ni Allison ang gamit na bag nung Dianne. Muntik na nga itong matumba dahil ayaw nitong bitiwan ang bag niya. Ang lakas naman kasi kung makahatak nitong si Allison.   "Ibalik mo sa ‘kin ‘yan!" Aba, palaban ang isang ito ah.   "Ooopsss!!" hinarangan namin siya ni Samantha.   "Ano kayang mayroon dito sa loob?" binuksan ni Allison ang bag.   "Wallet, keys, makeup kit, brush, hand sanitizer, perfume, pens...” Isa-isang tinapon ni Allison ang laman ng bag sa sahig.   "Ibalik niyo na po sa ‘kin ang bag ko!" Naiiyak na sumamo nito.   "And oh, an iPhone..."   "Patingin nga!" Sabi ni Beatrice kay Allison.   "Okay, catch!" Binato nito ang iPhone kay Beatrice.   "Hahaha! You're a good catcher, Bea." papuri ni Allison. Tawa kami nang tawa kami.   "Akin na ‘yan!" Naiiyak na talaga ‘yong Dianne.   "Catch, Samantha!" Binato naman ni Beatrice kay Samantha ang iPhone.   "Ooops! Hahaha! Muntik ng mahulog. Sorry." Nakatawang sabi ni Sam.   "Please, tama na po." Kitang-kita ko na ang pagmamakaawa sa mga mata nito.   "Vicky, catch!"   "Okay." Nakangising sabi ko kay Samantha. Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay. Inihagis niya sa ‘kin ang cellphone. Nasalo ko naman pero dahil kontrabida, sinadya ko talagang ihulog ‘yong cellphone sa sahig. Naging malakas ‘yong impact kaya nasira ‘yong iPhone. Basag ang screen nito.   "Ooops! Sorry dumulas. Hahaha!" Nagtawanan kami habang naiiyak na pinulot nung babae ang cellphone na nahulog sa sahig ng elevator. Ganito kami eh, mga kontrabida. So malamang hindi kami mabait. Ano pang aasahan niyo? Walang kabaitang dumadaloy sa mga ugat namin.   "Ang sasama niyo!" Galit na sigaw nito nang makatayo.   "At least we're beautiful. Hahaha!" nagtawanan na naman kami.   “Magaganda nga kayo pero ang papangit naman ng mga ugali niyo!!”   Sa inis ko ay naitulak ko siya sa pader at kinorner namin siya ro’n.   "Palaban ka ha! Sa tingin mo kaya mo kami? Hindi mo ba kami kilala?! Kaya naming paluhurin ka sa mga paanan namin! Hindi lang kami basta mayaman. Kayang-kaya naming pabagsakin ang negosyo ng angkan niyo! We can make your life like a living hell!" Nanggigigil na bulyaw ko sa kanya.   Bigla namang bumukas ang pintuan ng elevator. Nasa 8th floor pa pala kami. May tatlong estudyante sanang papasok pero natigilan nang makita kami.   "Under maintenance ang elevator! Maghagdan kayo!" Sigaw ni Beatrice sa mga ito. Nagsipag-alisan naman ang mga ito. Nakakatakot talaga kasing sumigaw si Bea. Pipindutin na sana ni Allison ang button nang mahagip ng aking paningin ang isang pangit na view. Si Mr. Ubod ng Pangit!   "Stop!" utos ko kay Allison.   "Ha?" nagtatakang tanong nito sa ‘kin.   "Mauna na kayo, may pupuntahan muna ako!"   "Victoria!" tawag ni Beatrice sa ‘kin. Hindi ko na sila nilingon. May mas mahalaga pa 'kong laban na hindi ko pa natatapos. Bahala na sila sa babaeng pangit na ‘yon.   Nakatalikod si Mr. Ubod ng Pangit at kahit saang anggulo tingnan, wala talaga akong makitang bakas ng kagwapuhan sa kanya. Akala ba niya hindi ko pa nakakalimutan ‘yong ginawa niya sa ‘kin kanina sa may entrance? Lagot siya sa ‘kin ngayon. Handa ko na sanang itapon ang aking bag sa kanya nang mabangga ako ng isang babaeng nerd at muntik ng matapunan ng kape ang aking mamahaling damit.   "AHHH!! Sh*t! Tatanga-tanga kasi!" Bulyaw ko sa kanya.   "So-sorry Miss Victoria." Paumanhin niya.   "Sorry? Eh gaga ka pala!" inagaw ko sa kanya ‘yong cup of coffee.   “Itong kape iniinom pero in your case kailangan mo tung ihilamos para magising ka sa katangahan mo!”   At isinaboy ko sa pagmumukha niya ang natitirang laman nito.     "Hoy Miss PANGIT!" That bastard, sisingit na naman sa eksena.   "Ano ka, knight and shining BEAST nitong mukhang mangkukulam na 'to?!" Lumapit siya sa ‘min. Hay, bakit gano’n habang tumatagal ay mas lalo siyang pumapangit?   "Hindi, dahil ako lang naman ang knight na magpapabagsak sa ’yo." Nakapamulsa pang pang-iinis niya sa ‘kin.   "Sige Miss ako nang bahala dito, umalis ka na." Sabi niya sa babaeng tinapunan ko ng kape. Well, wala na 'kong paki sa babaeng mangkukulam. Laban namin 'tong dalawa ni Mr. Ubod ng Pangit. And this time, sisiguraduhin kong nasa akin ang huling halakhak.   "Hahaha! Ako, pababagsakin ng pangit na gaya mo? Hoy lalaking may crater sa mukha, ako si Victoria Isabelle "Laitera" Escudero. Isa akong kontrabida at hindi pa ipinapanganak ang taong magpapaamo sa ‘kin! Dahil nasa sinapupununan pa lang siya ng ina niya pinapatay ko na siya!"   "Hindi pa ba? Well, akala mo lang ‘yon dahil nandito na ‘ko! Alive and kicking baby!”   Hindi ko napaghandaan ang mga sumunod na eksena.   Nangulangot ba naman siya sa harapan ko. Natulala ako. Wala pa kasing nakakagawa no’n sa mismong harapan ko. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagtapon niya ng booger sa direksyon ko. WTF!! Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya kaya hindi ako kaagad naka-react. Hindi ko na inalam kong saan lumanding iyong tinapon niyang booger dahil nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa kilabot. He's so gross!   Lumapit siya sa ‘kin. Ewww, nakakadiri!! Shoo!! Tsupeee! Urgh huwag kang lumapit sa ‘kin BOOGER MAN!   "Hindi lahat ng karapatan ay nasa magaganda at gwapo. At saka huwag kang masyadong mayabang dyan dahil hindi ako nagagandahan sa ’yo!” Sabi niya tapos nag-walkout na.   PAKSHET!! Paano niya nagagawang manalo sa bawat laban namin?! Sino ba siya? Isa lamang siyang hamak na pangit! Isang saksakan ng pangit na kinukuha ang nararapat na huling halakhak ni Victoria Laitera!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD