Chapter 4

1854 Words
Laitera 4- Mr. Ubod ng Gwapo Nang imulat ko ang aking mga mata, nasa labas na pala kami ng subdivision. We live in Billion Ville, ang pinakamahal at pinakamagarang subdivision sa Pilipinas. Only billionaires can afford to live there. Malayo ito sa magulong siyudad. It’s a classy yet environment-friendly place kung saan pwede kang mag–relax at unwind. Halos 49,000 hectares ang lawak ng bawat mansion na nando’n, lahat ay may sarili swimming pool, tennis court, golf course at mayroong ding runway para sa mga private plane. Kinuha ko ang aking iPhone 13 sa loob ng aking bag to check my messages. I saw one from Samantha. ‘Crocodile Park, 9:00am.’ I replied. ‘Thanks Sam, you’re the best!’ Pagkatapos nun, nakangiti ko itong ibinalik sa loob ng aking Louis Vuitton bag. “Stop the car!” utos ko sa driver. Agad naman nitong inihinto ang sasakyan. “Baba!” Bumaba kaming dalawa ng sasakyan. “Ma’am, a-anong ginagawa niyo?” tanong niya. “Shut up! Kung ayaw mong mawalan ng trabaho!” sigaw ko sabay bukas ng pinto at upo sa driver’s seat. Isasara ko na sana ang pinto nang bigla niyang ipinangharang ang kamay niya. “Ma’am, papagalitan po ako ng Daddy niyo. Saan po ba kayo pupunta?” nataranta na sya at di na alam ang gagawin. “Then huwag mong sabihin sa kanya! Tsaka wala kang paki kung saan ako pupunta dahil unang una hindi kita tatay! Tabi nga!” “Ma’am please, isama niyo na lang ako.” “NO WAY!!” Agad kong isinara ang pinto at pinaandar ang makina. Humarang-harang pa siya sa harapan ng saaakyan. Gusto niyang magpasagasa? Fine. Pinaatras ko muna ‘yong kotse. Tapos ihininto ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Akala niya ba nagbibiro ako? Bumwelo ako. At bigla kong pinaharurot ang kotse at nang isang metro na lang yata ang layo nito sa kanya ay bigla siyang tumalon papunta sa gilid ng kalsada. Ang kaso, nawalan siya ng balanse kaya ‘yong mukha niya ay sumubsob sa kalsada.Sus, akala ko talaga ang tapang niya. Duwag din pala, ‘yan tuloy humalik sa lupa. Eh kung nagpasagasa na lang sana siya sa ‘kin, nagkapera na sana siya! Moron! *** Usually, 1 and half hour ang byahe papunta ng Crocodile Park pero sa bilis kong magmaneho at mamahaling kotse na gamit ko, narating ko ito in just 45 minutes. Agad kong pinarada ang sasakyan. Bago ako bumaba ay tumingin muna ako sa rearview mirror just to check if 100% pa rin ang taglay kong ganda. “Beautiful as ever Victoria.” Nakangiting papuri ko sa aking sarili saka bumaba ng kotse bitbit ang lunch box na naglalaman ng espesyal na mga pagkain na pinahanda ko pa sa pinkamagaling naming chef. As I expected, ang daming tao pero wala akong pakialam sa kanila. Isa lang naman ang pinunta ko rito, ang makita si Marcus Villanueva, ang lalaking karapat-dapat sa angkin kong mala-dyosang ganda! “Oy, si Miss Victoria ba ’yan? Anong ginagawa niya dito sa filming location?” “Si Direk siguro ang sadya niya.” ’Tong mga pobreng ‘to talaga ang hilig magtsismisan. Trademark na ba talaga nila yan? Tss. “Umm, bagay sila ‘no?“ “Ssssh, ‘yang bibig mo! Si Miss Lyka ang rumoured girlfriend ni Direk.” “Ay gano’n ba, mas bagay kasi sila ni Miss Victoria.” Nilampasan ko ‘yong dalawang pobre. Tama naman sila, mas bagay kami ni Marcus kaysa sa mukhang aso na si Lyka. “Cut! Okay, break muna tayo.” Narinig kong sigaw ni Marcus. Lalapitan ko na sana siya nang may isang linta na nauna sa ‘kin. L*che! “Hi Sir, water oh!” Malanding inabot nito ang bote ng mineral water kay Marcus. That b*tch! “Salamat.” Binuksan ni Marcus ‘yong takip ng bote at uminom ng tubig. Mukhang huhubaran na siya ni Miss Linta ah. Titig na titig kasi ito sa kanya. Naghuhugis puso pa nga ang kanyang mga mata! “Sir, pupunasan ko na po ang pawis mo.” Kinikilig at dahan-dahang pinunasan niya ang pawis ni Marcus sa may noo pati sa may leeg. Sh*t! Ni hindi ko nga ‘yon nagawa, siya pa? “Sir Marcus, may ipapa-check po muna sana ako sa ’yo.” Wika nung cameraman. Napangisi ako. You’re doomed now, b*tch! Umalis si Marcus pero hinatid pa siya ng tingin ni Miss Linta. Nakita ko pang tumalon-talon ito sa tuwa, parang kinikilig na ewan.Kung di lang talaga para kay Marcus ‘tung lunchbox na’to kanina ko pa ‘tu binato sa pagmumukha niya! “Hi!” Plastic na bati ko sa kanya. Lumingon ito at mukhang nabigla. “M-Miss Victoria, bakit ho kayo nandito?”Tanong nito. “Napadaan lang. Ang init ‘no?” Nagpaypay ako gamit ang aking kamay. “Papayungan ko po kayo Miss Victoria, wait lang.” “Hindi na kailangan. Ikuha mo na lang ako ng tubig.” Utos ko sa kanya. Nagmamadali siyang umalis para ikuha ako ng tubig. Humanda ka sa ‘kin! “Miss Victoria, ito na ho.” Binuksan niya ang bottled water at iniabot sa ‘kin. “Ang init ‘no?” Ulit ko. “Oo nga ho Miss Victoria.” Tugon naman niya. “Sobrang init talaga!” “Kaya nga ma’am eh.” “Bakit hindi ka muna kaya maligo?” Dahan-dahan ko siyang binuhusan ng tubig sa ulo. “M-Miss...V-Victoria?” Gulantang at halos ‘di niya makapaniwalang sambit. “Ba-bakit ho?” "Una, mukha ka kasing hindi naliligo. Pangalawa, para magising ka sa pag-iilusyon mo! Bilib din ako sa’yo ano. Sa pangit mong ‘yan nagkaroon ka pa ng lakas ng loob na lumandi? And of all people si Marcus pa ang napili mong landiin! Nakalimutan mo bang tumingin sa salamin ha?” “Hindi naman po sa-“ “Huwag kang masyadong kampante sa kasabihang “opposite attracts” dahil sa sitwasyon niyo ni Marcus hinding hindi iyon mangyayari! Dahil ang pangit ay para sa pangit. At ang gwapo ay para sa maganda! Matuto kang humanay ayun sa category mo!” “Tsaka tingnan mo nga ’yang itsura mo, hiyang-hiyang naman ako sa ngala-ngala mong halos iluwa na ng bibig mo! Saka ’yong dalawang ngipin mo sa harapan, anong alignment nyan? Send To Front? ” “Ma’am, ano kasi—” “Shut up ugly wh*re! Alam mo bang isa ka lang buwaya? Isang buwayang kayang kaya kong bilhin, balatan at gawing ice cream? Bakit, mayaman ka ba ha? Si Marcus mayaman at ako naman, bilyonarya! Eh ikaw?” I looked at her from head to foot.“Psssh, hampaslupa!“ Natameme siya at napatungo na lang. Buti nga sa’yo! “Oh ano? Gusto mo bang mawalan ng trabaho, ha? Gusto mo bang wala ka nang mapapasukang trabaho?!” “Hindi na po mauulit Miss Victoria.” Humihikbing sagot niya. “Dapat lang! Dahil sa susunod, muriatic acid na ang ibubuhos ko sa ’yo! Sige, layas!” Sakto namang pag-alis niya ay dumating si Marcus. Napangiti ako. Para siyang isang lead character sa isang koreanovela. Ang kisig at ang gwapo. Nakakapanglaway talagaang taglay nitong kakisigan. Bagay na bagay talaga siya sa taglay kong ganda. Kung ako ubod ng ganda, siya naman ay ang ubod ng gwapo. Kaya perfect match talaga kaming dalawa! Akin ka na lang, Marcus! Ohh, mali. Let me rephrase that. Magiging akin ka talaga, Marcus! “Hi, Vicky oh anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong nito nang makita ako. “Is that how you greet the Chairman’s daughter? Wala man lang bang kiss diyan?” Pa-cute na tanong ko sa kanya. “Hahaha, okay. This kiss is for my future sister-in-law.” Hinalikan ako nito sa pisngi. Duh, sister-in-law daw? No way! I want to be your wife Marcus! You’re wife! Itaga mo ‘yan sa puso mong bato! “Pwede bang wife na lang?” Ginulo-gulo niya ang buhok ko. “Hahaha! Mapagbiro ka talaga kahit kelan Vicky.“ Hmp. Puro na lang talaga biro ang dating ko sa’yo. “So, what does the Chairman’s daughter wants?” he teased. I want you Marcus! YOU!!! Manhid ka kasi!!!! L*che! “Nothing, napadaan lang ako dito para ihatid itong lunch mo. You should be proud. Ikaw lang ang nilulutuan ko.” Sabay abot sa kanya nung lunch box. “Prenissure mo na naman ang mga chef niyo.” Tawang sabi ni Marcus at kinuha ang lunch box. “Ofcourse not, I put an effort on it!” Totoo naman kasi nag effort talaga akong pagalitan iyong mga chef namin. “Hahahaha! Okay, okay. Anyway, thanks Vicky, tiyak na mabubusog na naman ako nito.” “Thank you isn’t enough Mr. Villanueva.” I teased and he arched his brow. “Then, how can I repay the effort of the Chairman’s daughter?” pagsakay niya sa biro ko. Napangisi ako. Dump Lyka and be my man! “Jackridge, Saturday at 7pm.” Natawa si Marcus. “Are you asking you’re senpai for a date?” he asked. “Consider it that way.” I winked and showed my sweetest smile. “Great, then I’ll bring Lyka with us. She’ll love it for sure.“ “What?! No pets allowed, Marcus!” “VICKY!!!” “Ah—hindi ba Lyka iyong pangalan ng aso mo?” pakunwari kong tanong. Napailing na lang si Marcus. “Alam mo Vicky hindi tama ang inaasal mo kay Lyka, panahon na-hey, are you okay?” Mabilis na lumapit si Marcus sa’kin at hinapit ako sa aking beywang. Nagkunwari kasi akong nahihilo kasi kung hindi for sure sesermonan na naman ako nito about Lyka. “It must be the weather masyado kasing mainit ngayon.” Wika ko at mas nilapit ko pa ang aking sarili kay Marcus, nakahawak na ang isa kong kamay sa batok niya at nakahiga na ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. “Kailangan ko lang-“ ng yakap mo Marcus... “Kailangan mo ng gamot. Teka I’ll call our medical team. Jeff!” agad namang lumapit ang isang nangingisay na bakla. “Oh ghad! Anong nangyari kay Miss Victoria!” “She’s not feeling well Jeff.” Tumunog ang cellphone ni Marcus at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pangalan ng tumatawag.” Please look after her and make sure to give her medicine.” Anito sa nagngangalang Jeff.” I’m sorry but I need to take this call.” Paumanhin niya sa’kin at iniwan na kaming dalawa ng bakla. Damn. Kahit na siguro nag-aagaw buhay na’ko ay si Lyka parin ang ipra-priority nito!!! L-E-C-H-E!!! “Bw*sit ka talaga Lyka!” napamura na lang ako sa inis. “Mi-Miss Victoria?” nagulat iyong bakla sa bigla kong pagsigaw. “O-okay lang po ba kayo?” Mas lalo akong nainis sa tanong niya. “Mukha ba’kong okay? Tapunan kita ng durian diyan eh!” I snarled and walked away. “Miss Victoria saan po kayo pupunta, gagamutin ko pa po kayo!” narinig ko pang sigaw niya. Di ko na siya pinansin at naglakad na ako palayo. Bw*sit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD