Hindi alam ni Evelyn kung nakatulog pa siya kagabi pero ang alam lang niya ay totoong nangyari iyon sa pagitan nila ni Jack! They kissed! Parang buong magdamag siyang nakatulala at na-realized na lang niya na umaga na pala! Iniisip pa rin niya kung nakatulog ba siya at kung paano nangyari ang nangyari sa pagitan nila! Maaga siyang bumangon kanina dahil iniisip pa rin niya ang nangyari kagabi pero napatulala na lang ulit siya nang maalala ang mainit na halik sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na mangyayari iyon kagabi. The one and only Jack Avillarde kissed Evelyn Espinolista! “Bakit ko ba hinayaan na halikan niya ako? Baka mas lalo lang niyang isipin na mababang klase ng babae ako! Ganoon din kaya ang iniisip ni Sir Jack at ginawa niya iyon dahil gusto niyang patunayan na g

