Chapter 17 : Sorry Kent's Napatitig ako sa mommy ni Candice. Ngumiti ako at humingi ng paumanhin. "Sorry po, Ma'am." Tumango ako at nilagpasaan na siya. Kamukhang kamukha niya si Candice. Aakalain mong kambal silang dalawa. Pero may something talaga sa mukha niya. Para bang matagal ko na siyang kilala. "Kent!" Nagulat at napalingon ako nang tawagin niya ako. "Kilala niyo ho ako?" Naguguluhan kong tanong. Humakbang siya at nagulat ako sa asta niya. Hinawakan niya yong pisngi ko. Tila napaso ako sa haplos na iyon. "Ikaw na ba 'yan, Anak?" Maluha luha siya ng banggitin ang huli. Napatalon ako sa sinabi niya. Naguluhan. "A-anak?" Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "B-bakit mo akong tinawag ng anak?" Nauutal ako doon dahil sa pagkabigla. Bakit feeling ko kilala ko talaga siya? Nan

